"Welcome to New York!" sigaw ni Stell
Masaya silang lahat na nakarating sa New York. Hindi naman bago sa lahat ang makapunta sa ibang bansa maliban kay Athena. Manghang-mangha siya sa lugar, naninibago na nae-excite.
Ganito pala ang feeling pag nasa labas ng bansa.
Nagsikuha na sila ng kanilang mga bagahe sa conveyor, habang naghihintay si Athena ng kanyang bagahe ay sumigaw ang isa niyang kasama na kunin ang malaking gray na maleta.
Binantayan naman ito ni Athena na makarating sa harap niya pero nang hilahin niya na ito ay napakabigat pala. Bigla na lang may braso na humila ng maletang kukunin niya sana. Nang lumingon siya ay naroon si Ken.
"Thank you."
"Welcome" sagot ni Ken
Papunta na silang lahat sa hotel, dalawang van ang sumundo sa kanila. Nasa kabilang van ang SB19 at sina Athena naman at ibang staff sa kabila.
Pagdating nila sa hotel ay in-assign na ang kani-kanilang kwarto. Tig-iisang kwarto ang kada myembro ng grupo habang ang mga staff ay nag sama-sama sa ibang mga kwarto. Kasama ni Athena si Gino at Lucy sa kwarto.
"OMG sis, hindi ako makapaniwala nasa America na tayong tatlo!" sabi ni Gino
"Para magtrabaho." sabi ni Lucy
"Grabe besh! Ito pala ang feeling pag nasa ibang bansa no? Ibang-iba talaga sa Pinas! Picturan mong ako sis" excited na sabi ni Athena.
"Sabi sayo sumama ka samin dati, ayaw mo naman." sabi ni Lucy
"Syempre walang budget. Sige na, picturan mo na ko!"
Tumawag si Pablo para ipaalam na kakain sila mamaya sa labas. Mag settle lang muna ngayong araw sa New York at bukas na maguumpisa ang trabaho.
-----
"Wow! Anga ganda naman dito Josh!" masayang sabi ni Athena habang naglalakad sa malapit na park.
"Tayo ka dyan, picturan kita." sabi ni Josh
Tumayo naman si Athena at ngumiti habang kinukunan siya ng litrato ni Josh.
"Thank you, send mo sakin mamaya ha." sabi ni Athena
Sama-sama silang lahat na pumasyal sa mga lugar na malapit lang sa hotel nila. Naghahanap ng restaurant na pwede nilang makainan. Bukas pa kasi sila magme-meet sa mga producers doon sa venue at sina Athena ang incharge doon.
Magkakasamang naglalakad si Athena, Josh, Gino, Lucy at Justin. Nasa likod naman nila sina Pablo, Stell at Ken. Yung ibang staff naman ay nasa harap
Habang masayang naguusap sina Athena at Josh ay si Ken naman nakasimangot sa likod.
"Psst! Problema mo?" tanong ni Pablo kay Ken
"Wala." matipid na sagot ni Ken
"Alam mo ba kung bakit yan badmood?" tanong ni Stell kay Pablo
"Bakit ba?"
Tinuro ni Stell sina Athena gamit ang kanyang nguso.
"Si Athena? Type ni Ken?" tanong ni Pablo
Siniko ni Ken si Stell sa braso. At mariing itinatanggi ang pahayag ni Stell.
"Luh! Hindi ah!" sabi ni Ken
![](https://img.wattpad.com/cover/350596674-288-k753022.jpg)
DU LIEST GERADE
When our Worlds Collide
RomantikIn the dazzling world of entertainment, where bright lights and adoring fans were a constant, lived a Ppop idol named Ken also known as Felip. With an ethereal aura and a voice that seemed to touch hearts, he was the embodiment of mystery and grace...