Part 48

43 6 6
                                    

Nagising si Athena na kasama si Angelo sa kama. Lumaki ang kanyang mata nang malaman na magkasama sila ng artista buong gabi. Sinilip niya ang katawan sa ilalim ng kumot, napa buntong hininga siya nang makita na suot niya pa rin ang damit. Pilit na inaalala ni Athena ang mga nangyari kagabi pero tila hindi pa ito klaro sa kanya. Dali-dali siyang tumayo sa kama, nanginginig pa ang buong katawan niya nang kinuha niya ang kanyang cellphone at dali-daling umalis.

Nang makalabas na siya ng hotel ay sumakay agad siya sa dumaang taxi. Habang bumabyahe ay tinatawagan niya ang nobyo pero hindi nito sinasagot ang mga tawag ni Athena.

Nang makailang tawag na siya kay Ken, hindi na maganda ang kutob niya. Kaya naisipan ni Athena na dumaan na lang sa condo nito.  

Ilang beses kumatok si Athena pero hindi pa rin binubuksan ni Ken ang pinto. 

"Love? Please, buksan mo ang pinto. Usap naman tayo."


----------


Kanina pa gising si Ken pero hindi pa rin siya tumatayo. Hindi niya sinasagot ang mga tawag ni Athena. Hanggang nayon ay hindi pa rin siya makapaniwala sa nangyari. Kahapon ay sobrang saya niya pero ngayon parang gumuguho ang mundo niya. 

Paano mo nagawa saakin to Thena? Wala naman akong ginawa sa iyo. Ilang beses na kitang nahuli pero pinili kong paniwalaan ka. Ang tanga-tanga ko!

Sumasakit ngayon ang ulo niya dahil marami ang nainom niya kagabi. Pinilit niya talagang uminom kagabi kahit hindi talaga siya umiinom para lang makatulog at makalimot man lang kahit saglit. Ngayon ay pinagsisisihan niya ang naging desisyon niya kagabi.

Minasahe ni Ken ang ulo habang lumalakad papuntang CR. Nang tumingin siya sa salamin ay nakita niya ang kanyang repleksyon. Maga ang mga mata at halatang umiyak kagabi. Huminga siya ng malalim at nagpatuloy sa paghugas ng kanyang mukha. 

Mabuti na lang at nakabakasyon sila ngayon. Dahil kung hindi, hindi niya alam kung makakapagtrabaho siya ng maayos.

Ilang minuto pa siyang naka hilata sa sofa nang marinig niyang may kumakatok sa pinto. Wala siyang ganang makipag usap sa kahit na sino kaya di niya ito pinapansin. Ilang beses din niyang narinig ang pagkatok hanggang sa tumigil na ito. Akala niya umalis na ang distorbo sa umaga niya nang marinig niya ang boses ni Athena.

Nagdadalawang isip siya kung bubuksan ba niya ang pinto o hindi. Nagaaway ang puso at isip niya sa mga sandaling iyon. At tulad ng inaasahan, nangibabaw ang kanyang puso. Tumayo siya at binuksan ang pinto. Naroon si Athena nakatayo, tila suot pa nito ang damit kagabi.

Inumaga talaga siya sa hotel. 

Nanumbalik ang galit na pilit niyang itago. 

"Ano ang ginagawa mo dito?" tanong ni Ken

Napansin ni Athena ang mga mata ng nobyo.

Umiyak ba 'to kagabi?

"Love, anong nangyari? Umiyak ka ba?" tanong ni Athena

"Wala." Ken answered coldly

Teka, galit ka ba sakin?" tanong ni Athena

"Bakit? May dapat ba akong ikagalit?"

Please Athena, umamin ka ngayon. Huwag kang magsinungaling. Sa isip ni Ken

Umaasa si Ken sa mga sandaling iyon na sabihin ni Athena sa kanya ang lahat ng nangyari kagabi at kung bakit naroon siya sa kwarto ni Angelo Peña. Ngunit itinago ito ni Athena.

"Wala naman Ken. Bakit ang init ng ulo mo? Kanina pa ko tumatawag sa iyo, hindi mo sinasagot, tapos ngayon ang init ng ulo mo. May problema ba tayo?"

Sa isip ni Athena ay wala naman talaga siyang ginawa, kaya minabuti niya na lang na huwag sabihin kay Ken kung saan siya galing para sana huwag na silang mag-away. Alam ni Athena kung gaano kalaki ang galit ng nobyo sa artista.

When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon