Part 34

99 11 3
                                    


Nagising si Athena dahil nararamdaman niyang parang may naka yakap sa kaniya. Nang imulat niya ang kanyang mata ay nakita niyang may braso ngang nakayakap sa bewang niya. Biglang kinabahan si Athena kaya dali-dali niyang inalis ang braso at nilingon kung sino ang kasama niya sa kama. Laking gulat niya na si Ken ang nakahiga sa tabi niya.

Mahimbing itong natutulog at mukhang komportable dahil na rin siguro sa posisyon ng pagkakatulog nila. 

Pinikit niya ang kanyang mata at sinubukang alalahanin ang mga naganap kagabi. Doon niya naalala na kasama niya ang binata kagabi. Hindi maganda ang pakiramdam ni Athena. Nag-aalala siya na baka may nangyari naman sa kanila ni Ken.

Itinaas ni Athena ang kumot na bumabalot sa kanya at nakita niya na iba na ang damit na soot niya. Nagulat din siya dahil walang t-shirt si Ken at mukhang naka boxer shorts lang ito.

"The Fuck Athena!" sabi ni Athena sa sarili

Niyugyog niya si Ken hanggang sa magising ito. Mejo nainis pa si Ken dahil ayaw niya pang magising. 

"Ang sarap pa ng tulog ng gagong to ah!" Bulong ni Athen sa sarili

"Ken! Gumising ka!"

"Five minutes" ang tanging nasabi ni Ken at tumalikod ito

"Ediwow!"

Lumalakas na ang tibok ng kanyang dibdib. Chiceck niya ulit ang sarili.

"May panty at bra pa naman ako. Teka, saan ba yung mga damit ko? May nangyari ba saamin? Wala naman siguro. Huwag kang assuming Athena, hindi ka maganda. Tangina!" Patuloy na pag question ng dalaga sa sarili

"Ken, gumising ka please!" sigaw ni Athena na nakaluhod sa tabi ni ken

Sa wakas nagising na rin si Ken, humarap siya kay Athena pero nakapikit pa rin ang mga mata.

Gwapo naman ng lalaking to. 

"Ken!"

"Oh?"

"Bakit iba yung damit ko?"

"Binihisan kita kagabi" sagot ni Ken

"Bat, wala kang soot?" usisa ni Athena

"Sinukahan mo ko kagabi. Labhan mo yang tshirt at pantalon ko ha, ang mahal pa naman ng bili ko niyan." sabi ni Ken na nakapikit pa rin ang mata.

"Walang nangyari saatin?"

"Wala"

"Sure ka?"

Biglang umupo si Ken at nagsabing

"Bakit? Gusto mo ba? Game naman ako diyan eh." na may panunukso sa mga mata

"Ken naman eh." sabi ni Athena sabay hambas sa dibdib ng binata

"Wala nga." panigurado ni Ken

"So binihisan mo lang ako? Hinubaran ganun?"

"Oo, alangan naman."

Biglang namula ang mga pisngi ni Athena. Iniisip niya na nakita ni Ken ang katawan niya. Alam ni Ken kung ano ang pumapasok sa utak ni AThena

"Nakita ko naman iyan, ngayon ka pa ba mahihiya?"

Wala nang masabi si Athena, tama nga naman si Ken. Ano pa ba ang maitatago niya? Kaya tumayo na lang ito papuntang CR, kumuha ng robe at inihagis iyon kay Ken.

"Suotin mo nga yan! Ang lamig2x oh, tapos naghuhubad ka pa diyan."

Ken gave Athena a mischievous smile. Tumayo ito at kinuha ang robe na inihagis ni Athena pero hindi niya pa ito kaagad sinuot. Ibinalandra pa muna nito ang kanyang matikas na katawan.

Napanganga si Athena ng ilang segundo at nang mahimasmasan siya ay tumalikod din ito para makaiwas din sa tukso. 


Maya-maya pa ay tumawag si Ken sa restaurant ng hotel at nag padeliver ng breakfast nilang dalawa. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang inorder ng binata. 

Umupo na sila sa mesa na malapit sa bintana at nag-umpisa nang kumain.

Habang kumakain ay tahimik lang ang dalawa hanggang sa nagsalita si Athena

"Lasing ba talaga ako kagabi?"

"Obvious naman siguro." sagot ni Ken

"Hindi ko kasi naalala na nakauwi tayo eh."

"Hindi mo rin siguro naalala ang sinabi mong gusto mo ko?"

Natahimik si Athena. Nasabi niya kaya lahat ng gusto niyang sabihin kagabi? Wala siyang maalala. Ang tanging alam niya lang ay magkasama sila ni Ken kagabi. Matagal din bago nagsalita si Ken. 

"Athena, yung nangyari sa atin-"

"Maling mali yun Ken." nakayuko si Athena habang sinasabi yun

"Siguro para sayo, oo. Pero hindi kasi yun ang nararamdaman ko Thena." sabi ni Ken

Tumayo si Athena

"Paano si Jeff?"

"Huwag mong sabihin saakin na gusto mo pang makipagbalikan sa kanya?"

"Hindi naman sa ganun Ken, pero-"

"So anong problema?"

Ano nga ba talaga ang problema? Hindi masagot ni Athena ang tanong ni Ken. Alam niya naman kasi na kapag pagbibigyan niya ang sarili ay hindi rin magtatagumpay ang relasyong iyon. Ano nga ba ang laban ni Athena sa ibang mga babae? 

"Hindi ko alam." sagot ni Athena at tumalikod

Tumayo din si Ken at lumapit kay Athena

"Sabihin mo saakin, maiintindihan ko naman yun eh."

"Ken, baka lang kasi nabibigla lang tayo. Parati kasi tayong magkasama. At tsaka paano kung pagbalik natin sa Pinas, wala na?"

"Sa tingin mo ba Thena, laro-laro lang to?"

"Hindi naman sa ganun Ken, ang saakin lang -"

"I get it. Wala kang tiwala saakin."

"Hindi naman sa ganun, pero-."

"Then tell me!"

"Natatakot ako! Ok? Natatakot ako Ken. Kahit gaano ko kagusto, nahihirapan akong maniwala, nahihirapan akong magtiwala. Paano kung masasaktan lang ulit ako?"

"Sa tingin mo ba Thena magagawa ko yan sa'yo?"

"Hindi ko alam."

Ken held her face tenderly and said,

"Di ko magagawa yan sayo Athena."

Hindi alam ni Athena kung paano nagbago ang isip niya nang mga sandaling iyon at parang nagkaroon siya ng pagasa dahil sa sinabi ni Ken.

"Hindi kita pinipilit. Kung ayaw mo wala na akong magagawa. Ang hiling ko lang ay sana bigyan mo ko ng pagkakataon na maipakdama sa iyo ang intensyon ko."

"Pero Ken-"

"Kung mahal mo pa si Jeff, wala namang problema. Hindi kita minamadali. Naiintindihan ko. Iintindihin ko pa lalo. Bigyan mo lang ako ng pagkakataon."

"Paano kung paguwi natin sa Pinas ma realize mo na hindi pala ako ang gusto mo? Na nagkagusto ka lang saakin dahil magkasama tayo dito?"

"Hindi mangyayari yon."

Hinawakan ni Ken ang kanyang kamay. 

"Hayaan mo kong ligawan kita."

Nag-isip pa si Athena ng ilang sandali, at marahan itong tumango. 

Ngumiti lang si Ken, Gayun din si Athena. At doon nagkaintindihan na silang dalawa. 

Simula noong araw na iyon ay hindi na itatago ni Ken ang nararamdaman para sa dalaga.


When our Worlds CollideWhere stories live. Discover now