Part 9

39 6 3
                                    

Natapos na ang Press Con, naaliw ang mga bisita pati na rin ang mga staff. Ang goal ng team ay mas makilala pa ang SB19 on a deeper level. Doon nakilala at humanga si Athena sa grupo. Ngayon mas naiintindihan na niya kung bakit ganoon sila magtrabaho dahil hindi basta-basta yung pinagdaanan nilang lima.

"Woohoo Congrats Guys!" sigaw ni Stell sa backstage

"Ito na ang simula ng mga sunod-sunod na nating mga events guys, start na ng promotion natin at ng mga tours. Kaya ihanda ang isip at katawan dahil magiging magulo pero masaya ang karanasang ito." sabi ni Pablo

"Syempre thank you sa inyo dahil sinigurado niyong maging matagumpay ang event na to." sabi ni Josh

Nagpasalamat din ang dalawang bunso na si Ken at Justin.

Habang nag-uusap-usap backstage ay hinahanap ni Ken sina Athena sa grupo. He realized Athena and her team are still infront taking care of their remaining guests ang suppliers. 

Nang maubos na lahat ng mga bisita ay lumabas si Ken sa kanila. Nakita naman siya agad ni Athena.

"Ken, mauna na kami." sabi ni Athena

"Hindi kayo sasabay saamin?" sabi ni Ken

"Hindi na sigu-" 

Hindi natapos ni Athena ang sasabihin dahil tinapik ni Lucy ang likod niya.

"Saan ho ba kayo pupunta? tanong ni Lucy

"Babalik sa studio dahil magse-celebrate tayo dun."

"Sige sasabay kami" sabi ni Lucy at Gino

Si Athena naman ay napilitan na lang dahil gustong sumama ng mga kaibigan.

"Magkita-kita na lang tayo dun." sabi ni Ken

"Una na ko?" nagpaalam na si Ken pero kay Athena lang ito tumitingin

"Sige." sagot ni Athena at ngumiti kay Ken na parang dalawa lang sila ang naroon

Tumalikod na si Ken at patuloy na naglakad papuntang backstage kung saan naroon ang kanyang grupo.

Nagtaka si Lucy at Gino sa kung paano mag-usap si Ken at Athena. Ba't kung mag-usap sila at parang iba ang dating.

"Ano yun?" tanong ni Lucy kay Athena

"Ang ano?" sagot ni Athena

"Girl, ba't nagpapaalam siya sayo?" sabi ni Gino

"Nagpaalam siya sa atin! Kayo talaga mahilig gumawa ng issue." sabi ni Athena

"Hindi besh eh, iba eh! Hindi ko lang ma pinpoint kung ano basta may iba." sabi ni Lucy

"Hay ewan ko sa inyo, gutom lang yan! May boyfriend po ako, malamang siya maraming babae yan, kaya huwag na kayong umasa. Ok?" 

"May boyfriend nga hindi naman nagpaparamdam." sabi ni Lucy

"Sissy, baka nafa-fall ka na kay Ken?" dagdag ni Gino

"Amaccana Accla! Grabe ang wild ng imagination niyo! Magkaiba ang mundo natin sa kanila, imposibleng mga tulad nila ay magkakagusto sa atin, kayo talaga!" saway ni Athena sa mga kaibigan

"Sus! Pero aminin mo beshy ko, cute nila!" sabi ni Gino

"Hahaha aamin na yan!"dagdag ni Lucy

"Ewan ko sainyo, tara na nga! Ikain niyo na lang yan, gutom lang yan!"

-------

Huling nakarating sina Athena sa opisina ng SB19 dahil pinatapos pa nila mga supplier na mag pull-out sa event. At kahit na tapos na ang press con ay kailangan pa nilang ayusin ang billing ng lahat ng mga supplier. 

Dumerecho sila sa pinahiram na opisina sa kanila ng grupo. Nakita sila ni Justin at inaya na sumabay sa kanila.

Hindi naman sila tumanggi, inilagay lang nila ang mga gamit nila sa mesa at dumerecho na rin agad sa studio kung nasaan ang selebrasyon.

Masaya ang gabi, nagkantahan at hindi mawawala ang sayawan. Sina Lucy at Gino ay Masayang nakihalubilo at sumasayaw kasama ang ibang staff ng SB19. Si Athena naman sy masakit ang mga paa sa kakalakad kanina at gutom na gutom na siya kaya mas pinili niyang umupo sa isang sulok at kumain.

Ilang sandali pa ay lumapit si Josh sa kanya at sinabayan siya sa pagkain doon sa sulok. Nagkuwentuhan sila tungkol sa mga nangyari sa araw na yon at kung gaano kasaya ang grupo na ang agency nila ang kinuha.

Habang nag-uusap sila ni Josh ay napansin ni Athena si Ken na naglalaro sa kanyang cellphone sa isang sulok kaya tinanong niya si Josh

"Josh, matanong ko lang, ganyan ba talaga ka aloof si Ken sa tao?"

"Hmm, oo eh, kahit dati pa ganyan na talaga yan. Ba't mo naitanong?" 

"Wala naman, parati kasi siyang tahimik, naku-curious tuloy ako. Baka kako may problema siya."

"Haha walang problema yan, ganyan lang talaga siya. Type mo siya noh?"

"Naku may boyfriend na 'ko noh. Nagpoproblema na nga ako sa isang yon, dadagdagan ko pa ng isa?" 

"Kung sabagay, may point ka naman."

-----

Sa isang sulok, kung nasaan si Ken ay napansin niya na magkausap na naman si Josh at Athena. Nagtataka siya lalo kung ano ang parating pinag-uusapan ng dalawa. He is curious as to why Athena is so carefree around Josh. 

Hindi na siya makapag concentrate sa nilalaro niya kaya napagdesisyunan niyang tumigil na lang. 

Nagtataka si Ken kung bakit pinoproblema niya iyon.

Ano naman kung masaya si Athena kay Josh? May gusto ba siya sa kanya? Baka friendly lang talaga si Athena. Nag-uusap din naman kami. Pero bakit hindi siya ganun sakin? Teka, nagseselos ba ko?

Ken shrugged the thought. No way he is jealous. 

Sa ganoon estado si Ken nang kinausap siya ni Stell. 

"Psst, ang lalim ng iniisip mo ah."

Patuloy pa rin na tumitingin si Ken kina Josh, kaya tinignan din sila ni Stell.

"Saya nila noh?" sabi ni Stell sabay tukso kay Ken

"So?" 

"So, hayaan mo na sila. Kung nagseselos ka sa kanila eh di sa-"

"Hindi ako nagseselos!" malakas na sabi ni Ken

"Eh di okay. Hindi kung hindi. Ba't ka nagagalit?"

"Hindi ako galit. Makaalis na nga."

Tumayo na si Ken at nagpasya na lang siyang umuwi. Tinapik niya lang si Stell at nagpaalam sa mga tao na madadaanan niya. Sanay na ang mga tao kay Ken kaya okay lang sa kanila na minsan ay sinusupladuhan niya ang mga ito.

"Ingat!" sigaw ni Stell

Bago siya lumabas ay dumaan muna siya sa opisina para kunin ang mga gamit niya.

-----

Bumalik na si Josh kina Justin at Pablo na kumakanta kasama ang mga manager nila. 

Niyaya na rin ni Athena sina Lucy na umuwi pero parang wala pa silang planong umuwi. Gustong gusto niya nang umuwi dahil sumasakit na ang kanyang mga paa.

"Mauuna na lang ako ha. Sumasakit na kasi ang mga paa ko." sabi ni Athena

"Sabay na tayo, uwi na lang kami."

"Huwag na, hindi naman tayo sabay sa sasakyan kaya magbo-book na lang ako ng taxi." 

"Sure ka bes?" tanong ni Lucy

"Oo, maaga pa naman kaya okay lang. Enjoy lang kayo dito. Tatawag na lang ako pag dating ko sa bahay."

"Ok, sige mag-ingat sila sayo!"

"Dapat lang! haha!" sagot ni Athena

-------









When our Worlds CollideTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon