The Beginning

939 48 43
                                    

OLIVIA FAYE ELEAZAR

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

OLIVIA FAYE ELEAZAR

One second, I was in bliss; the next, I was dying of worry.

It was a lovely evening. I was in a fancy restaurant with the love of my life, Hale, and we are on our way home now. Mahigpit ang hawak niya sa aking kamay habang punong-puno ng pagmamahal ang kaniyang pagtitig sa akin. It seemed like he could not get enough of me. Maganda ang ngiti niya na para bang nagpipigil ng kilig at parang hindi makapaniwala na sumagot ako ng oo sa kaniyang tanong kanina.

He invited me to a dinner date to propose, and I said yes. Wala naman akong ibang magiging sagot dahil sigurado ako sa kaniya, at sigurado ako sa nararamdaman ko. I want to be with Hale for the rest of my life, I want to spend it loving him unconditionally.

"I love you, my Liv," nakangiting sabi ni Hale bago nito hinalikan ang aking noo. I closed my eyes to feel the touch of his lips on my forehead.

"I love you, too," sagot ko naman bago ako mahinhin na humagikgik. Niyakap ako ni Hale at ang aming sandali ay biglang naudlot nang tila nawalan ng kontrol ang aming sinasakyang kotse. Mahigpit akong niyakap ni Hale to ensure I won't hit anything until the car calmed down.

"Sir Hale! We are under attack!" kasabay ng sigaw ng tauhan ni Hale ay ang paghampas ng kung ano sa bintana ng kotse. What was that?

Hale immediately grabbed his phone, and I saw him contacting Stan, one of his best friends. Mahigpit lamang akong napakapit sa kaniya nang bumaba ang driver at isa pang tauhan ni Hale na nasa passenger seat habang may dala itong malalaking baril. Anong nangyayari?

"Stan! Get Rey! I need backup here!" saad ni Hale sabay patay ng kaniyang telepono. Hale pulled the back of the seat which revealed a case that carries another big gun. Hindi ko alam kung anong klase ng baril pero mahaba iyon! He clicked his tongue upon seeing me and the look on my face. I covered my mouth bago ako umiling-iling. What is the meaning of this?

Bakit may ganitong mga baril sa sasakyan ni Hale? Why are we being attacked? Is he a wanted criminal? Anong meron?

"Love, I will explain everything later, okay? For now, lie down on the car floor and never go out. You will only come out if it is me, Stan, or Rey. Is that clear?" Hale instructed while taking off his jacket. Hinintay niyang makapwesto ako sa baba bago niya iyon ipinatong sa akin.

"Love, mag-iingat ka," mangiyak-ngiyak na sabi ko at tumango naman ito bago niya isinara ang pinto ng kotse.

Abot-langit ang kabog ng aking dibdib habang dinig na dinig ko ang walang humpay na putukan sa labas. I tried covering my ears to lessen the noise pero napapaigtad pa rin ako kapag may mga dumadaplis sa bintana ng kotse. Mabuti na lang at bulletproof iyon.

Pilit kong pinigilan ang aking paghikbi nang aking marinig na may pilit nagbubukas ng pinto ng kotse. I covered my mouth to ensure I wouldn't make any noise. Gusto ko pang mabuhay, gusto ko pang makasal kay Hale, gusto ko pang magkaroon ng anak sa kaniya. Pero paano mangyayari 'yon kung siya naman ang mamamatay ngayon? Hindi! Huwag kang mag-isip ng ganiyan, Liv! You should be wishing for his safety!

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now