032: Heaven's Betrayal

197 13 28
                                    

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Ops! Esta imagem não segue as nossas directrizes de conteúdo. Para continuares a publicar, por favor, remova-a ou carrega uma imagem diferente.

LEIRIN ANDREA PATTERSON

"You're done?"

Bahagyang nanlalaki ang mga mata ni Artemis matapos marinig na natapos ko na ang report na ilang araw ko nang tinatrabaho. Ngayon ko lang kasi na-figure out ang butas na siyang ginamit nila para makapagpalusot ng pera.

"Yes. Look at this," I said, pointing towards a document opened on my laptop's screen. "This is the root of everything. Ever since this memorandum was released, doon na nagsimula ang pagnanakaw. Nakakita sila ng loophole at iyon ang ginamit nila para makapagnakaw ng pera," pagliwanag ko sa kaniya habang tinitingnan nito ang dokumento sa kaniyang harapan.

Marahan itong tumango-tango sa akin.

"I'm going to send this to my father now," malumanay na pagpapaalam ko. Tumango lamang ito bago ito muling bumalik sa kaniyang ginagawa.

I continued my day as usual, and when I was about to go home, Trevor told me he would pick me up. Nag-aaya na naman siyang mag-dinner. Wala namang problema sa akin dahil nag-eenjoy rin naman akong kasama siya. Nag-aalala lang ako dahil baka mamaya ay magkaroon na naman ng habulan o kaya ay barilan. Nakakainis.

Kailan kaya kami magkakaroon ng payapang moment?

"You're still here," pagsita sa akin ni Artemis nang umakyat ito mula sa basement.

Kasalukuyan akong nakaupo sa isang sofa at nakatitig sa aking cellphone.

"Wala pa si Trevor," simpleng tugon ko.

"Take care of him," she quietly said. Napunta sa kaniyang direksyon ang aking tingin. I was a bit surprised that she actually cares for him. Hindi naman niya ako sasabihan na alagaan ko si Trevor kung wala siyang pakialam dito.

Hindi ko alam kung ano ang kwento ng pamilya nila pero nakakagaan ng loob na malaman na may pakialam siya kahit na hindi sila tunay na magkadugo.

After processing what she just said, I gave her a genuine smile before I said, "You don't need to remind me."

Napangisi lang ito. She raised her hand and waved goodbye before she quietly left.

Tumayo ako sa aking kinauupuan at muling tinitigan ang mga litratong nakasabit sa pader. It made me a bit sad that our generation probably won't have photos like these dahil puro pasaring at sarcastic remarks ang ibinabato nila sa isa't-isa.

Napahugot na lang ako ng isang malalim na hininga. Mayamaya lang ay narinig ko na ang sasakyan ni Trevor kaya naman lumabas na ako.

"You look tired. How's your day?" he worriedly asked when he approached me. He immediately wrapped his arms around my waist and kissed my forehead.

"It's alright. Not good, not bad, just tiring," I responded as I buried my face in his chest.

"What can I do to make it better?" he inquired, gently combing my hair with his fingers.

The Wicked and the DamnedOnde as histórias ganham vida. Descobre agora