033: Run Away

197 13 25
                                    


TERRENCE JACOB ALVERDE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TERRENCE JACOB ALVERDE

I couldn't find the words to describe Leirin's face, but the least I could use was distracted. Tahimik lamang itong nakatingin sa daan habang ako ay nagmamaneho pabalik sa kanilang bahay.

Sa pagkakaalam ko ay magkasama sila ni Trevor kagabi hanggang kaninang umaga. Hindi ko rin alam kung ano ang ginagawa niya sa restaurant kung saan ko siya sinundo. Wala namang bakas ng pinagkainan sa kaniyang harap, tanging baso lamang na may hulas mula sa malamig na tubig na laman nito.

Hindi ko alam kung may kinalaman ba ito sa kapatid ko. Kahit na gusto kong alamin ay wala ako sa lugar para magtanong. Kung gusto niyang magkuwento, ayos lang. Kung ayaw niya, nirerespeto ko iyon.

If this involves my brother, I cannot cover for his ass because whatever happened, it was clearly affecting the well-being of the youngest among the Pattersons. Hindi naman ako nagkulang sa pagpapaalala sa kaniya. Oo, kakampi niya ako, pero hindi sa lahat ng pagkakataon. I still need to assess whether what he did was right or reasonable.

"I'm sorry for disturbing you," halos pabulong na sabi ni Leirin. Mababakas sa mga mata niya ang pagod.

"It's not a big deal. You do not need to apologize," I responded in an attempt to comfort her.

"I just did not know what to do. I'm really sorry," muling paghingi nito ng tawad.

Nginitian ko na lamang siya bago ako nag-alok ng detour. "Gusto mo bang magpahangin bago kita ihatid sa inyo? Hindi naman tayo lalayo."

Mukhang napaisip ito sa aking sinabi. She sighed before she nodded, and I immediately took a u-turn.

Sa pagkakaalam ko ay may children's park sa susunod na bayan. Gabi na at sigurado akong wala nang mga batang naglalaro doon. Baka pwede kaming tumambay sa swing at doon magpahangin.

Tulad ng aking naisip ay wala na ngang batang naglalaro. Leirin dragged herself to the swing and sat there. Naupo ako sa katabi ng kaniya at hinintay ko lamang siyang magsalita. Hindi ko siya pipiliting ibahagi kung ano man ang kaniyang pinagdadaanan.

"Trevor confessed last night," mahinang sabi nito.

Hindi ba't dapat ay masaya ito dahil nagtapat ang kapatid ko? Bakit para siyang pinagsakluban ng langit at lupa?

She drew a sad smile before she went on. "But earlier today, he just said that he is choosing my twin over me."

That makes sense.

But why? Why would Trevor do that? Malinaw sa akin ang kaniyang intensyon pagdating kay Leirin. He wasn't faking the way he worried about her. He always checks on her, and he is dedicated when it comes to proving to Sir Larry and Lance that he is trustworthy enough for Leirin.

Simula nga nang dumating si Leirin ay mas naging responsable at aktibo ito pagdating sa organisasyon. He even stopped smoking after Leirin's welcome party.

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now