039: Odd Situations

175 13 23
                                    

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LEIRIN ANDREA PATTERSON

"What are your plans now?" Agad na dumapo kay Artemis ang aking tingin.

Sa totoo lang, hindi ko alam kung ano ang aking isasagot sa kaniya. I do not have doubts now that we were able to confirm that what my mother said was true.

Along with Dennis and Terrence, we are currently hanging out at a gazebo at the back part of the Alverde Mansion. Sa isang bilog na lamesa ay nakakalat ang mga tasa ng tsaa na ang ilan ay may kaunti pang natira. Nakahain din sa aming harapan ang cookies na siyang mineryenda namin kanina.

Artemis invited her mother for me dahil ayon nga sa kuwento ng aking ina ay ito at ang nanay ni Trevor ang tumulong sa kaniya. She confirmed that it was true. Nakuha pa nga nitong ituro kung paano nila nagawan magnakaw ng pera sa Black Heaven Organization noon, na hindi na pwede ngayon dahil sa mga bagong polisiyang ginawa nina Dad at Sir Joseph.

Bukod sa usapang ito ay tinulungan nila akong tatlo na maghalungkat sa existing records ng BHO tungkol sa mga pag-atake ng aming tiyahin sa aming ina.

Tita Hera left the four of us dahil may gagawain daw ito.

I grabbed another cookie, hoping that a bite from it would give me an idea of what to do.

At the back of my mind, naiisip kong mas mabuti kung uuwi na ako sa amin para hindi na ako maging pabigat pa kay Terrence. Nakakahiya na rin sa kaniya dahil bukod sa mga order ay dagdag pa ako sa intindihin niya. Hindi naman daw abala o problema sa kaniya pero nakakahiya pa rin.

Kailangan ko na ring matutong tumayo sa aking sariling mga paa. Kailangan ko rin ng driving lessons. Sasabihan ko si Dad.

"Uuwi na siguro ako," saad ko.

"Sigurado ka na ba?" Artemis asked.

Masigla ko namang itinango ang aking ulo para makumbinsi itong sigurado ako sa aking sagot.

"Hindi na ba magulo ang isip mo?" Terrence gently asked.

"Nagulo lang naman dahil ginulo ng nanay ko, pero inayos niya rin naman. Nasagot na rin mga tanong ko," I responded with a smile.

Isang ngiti lang din ang kaniyang ibinigay sa akin bago ito tumango at nagsalita, "It's good to hear. I'll miss Lance and Trevor asking for updates."

Napairap na lang ako dahil sa mapang-asar nitong tawa. Mamimiss ko rin naman si Terrence at ang pagiging supportive niyang kaibigan at kapatid. Pinipilit niya kasi sa akin na bigyan ko ng chance si Trevor, na pakinggan ko ang paliwanag nito para hindi mabaliw ang kapatid niya.

Handa naman akong pakinggan si Trevor. I just needed time to process things.

Matapos ang tagpong iyon ay hinatid na ako ni Terrence sa mansyon ng mga Patterson.

"Thank you, Terrence. You were a big help," malambing na sabi ko sa kaniya bago ko siya niyakap nang mahigpit. "Thank you talaga," muling pasasalamat ko.

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now