038: Family Drama

214 11 21
                                    

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LEIRIN ANDREA PATTERSON

I can't figure out why, but our house seemed to have become brighter and warmer. There was a sense of familial warmth enveloping the place. The hues appeared to have brightened and became more vivid. Siguro ay dala lang ito ng ilang araw na pananatili ko sa ibang bahay.

I have stayed with Terrence for so long that the place felt like it was new. More than a week wasn't too long, but it was long enough for me to adjust to our home again. May kakaiba talaga dito, hindi ko lang matukoy kung ano.

Wala pa akong planong umuwi, but I gave in to Kuya Lance's request to meet them, my family, because we have something to discuss. Hindi ko alam kung ano ang aming pag-uusapan pero umaasa akong sa pagkakataong ito ay magkakaroon na ako ng lakas ng loob na magtanong at humingi ng kasagutan. I will demand for answers because I have the right to know them.

Humugot ako ng isang malalim na hininga bago ko tinahak ang staircase paakyat sa opisina ng aking ama.

Agad na napaawang ang aking bibig nang aking buksan ang pinto at matunghayan ang magandang ngiti ni Andrea habang nakatingin ito kay Kuya Lance. Kakaiba ang ningning ng kaniyang mata. Para bang manghang-mangha ito sa pagkatao ng aking nakatatandang kapatid.

Wala namang imik si Kuya Lance na humihigop ng kape mula sa isang tasa.

Anong nangyayari? Bakit siya nandito? Kailangan ko ng paliwanag.

My father was the first person to notice me.

"You're here," malumanay na bati nito sa akin.

Agad na napunta sa akin ang atensyon ni Kuya Lance at ni Andrea. She gracefully waved at me, and I don't know how to react.

Mabagal akong naglakad palapit sa kanila bago ako nag-aalangan na naupo sa tabi ni Kuya Lance.

"Why are you here?" I simply asked while looking at Andrea. Sa kaniyang harap ay mayroong basong may lamang lemonade.

Mula sa kaniyang table ay lumakad si Dad papunta sa likod ni Andrea. He affectionately rested his hand on one of her shoulders. Gumuhit ang tipid na ngiti sa babae bago niya inabot ang kamay ng aking ama.

Anong nangyayari? Pang-ilang tanong ko na ba 'yan? Bakit hanggang ngayon ay wala akong lakas ng loob na itanong iyan nang malakas?

Andrea sighed before she started fiddling her fingers.

"I'm sorry. Alam kong nakakabigla na makita mo ako dito, Leirin," she started, a sad smile painted on her lips. Nakatingin ito sa akin at para bang hirap na hirap ito sa pagpili ng mga salitang kaniyang sunod na sasabihin. Mariin din akong nakatingin sa kaniya. Ultimo ang maliliit na galaw ay aking napapansin.

"I have been staying here for a few days now dahil matagal din kaming hindi nagkasama ng iyong ama. Well, I know none of that matters because you have a lot of things you were wondering about, and I am here to explain everything to the two of you," pagpapatuloy nito.

The Wicked and the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon