016: Daggers

195 15 30
                                    

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LEIRIN ANDREA PATTERSON

It was chaotic, but it was fun.

Hindi maawat ang tawa ni Jeric at Terrence habang sapo ni Dennis ang kaniyang dumudugong ilong. Trevor quietly snickered and shook his head while watching his friend struggle to catch all the flowing blood.

Ipinakikita nito kanina ang tamang pag-gamit ng nunchaku pero dahil sa sobrang taas ng kaniyang energy ay tinamaan niya ang sariling mukha. Imbes na tulungan ng kaniyang mga kaibigan ay tinawanan lamang siya ng mga ito.

"You should sit," suhestiyon ko habang bahagyang natatawa. Tumulo na rin sa puting tshirt nito ang dugo.

Terrence reached for a chair to offer it to Dennis. Agad naman itong naupo at agad kong ibinigay sa kaniya ang aking panyo.

"Huwag kang tumingala," paalala ko naman. Dennis pressed the bridge of his nose while wiping it using my handkerchief.

Kapag nagagawi sa kaniya ang tingin ni Jeric ay muli na naman itong tatawa.

"Sana pala nag-video ako, sayang naman," pang-aasar pa nito.

"Ang usapan kasi basic muna ang ituturo kay Leirin, bakit ka kasi nagbida-bida?" tanong naman ni Terrence kaya natawa na rin ako.

"Inggit lang kayo kasi namangha siya sa akin," mayabang na sagot nito.

"Anong nakakamangha sa katangahan? Sige nga," buwelta naman ni Jeric.

"I think we can call it a day. Marami na rin namang natutunan sa atin si Leirin nitong nagdaang mga araw," Terrence suggested.

Totoo naman ang sinabi niya. Kahit na papaano ay may kaunti na akong alam sa self-defense. Hindi pa ako kasing galing nila pero kakayanin ko naman na sigurong protektahan ang sarili ko.

"Salamat sa inyo," mahina at nahihiyang sabi ko.

Biglang napahinto ang pagtawa ni Jeric subalit hindi mabura ang malapad na ngiti nito. Trevor gave me a small smile before he nodded.

"It's a pleasure to serve the princess, but kidding aside, nandito kami palagi para suportahan ka, Leirin," nakangiting sagot ni Jeric. He showed his fist and demonstrated a 'fighting' position kind of cheer.

"Sabihan mo lang kami kapag kailangan mo kami, okay? Huwag kang mahiya," sabi naman ni Dennis habang nasa ilong pa rin niya ang aking panyo.

Hindi ko alam pero nabalot ng kakaibang init ang puso ko matapos marinig ang mga salitang iyon mula sa kanila. Sigurado akong hindi ako nag-iisa sa bagong buhay ko at dahil iyon sa kanila na isang tawag lang ay handang mag-abot ng kanilang mga kamay.

Isang matamis na ngiti ang aking isinagot sa kanila.

Matapos ang tagpong iyon ay hinatid na ako ni Terrence papunta sa aming mansyon. Madilim na rin at bumungad sa akin ang kakaibang katahimikan. Siguro ay nasanay ako sa kadaldalan nina Dennis at Jeric kaya pakiramdam ko ay sobrang tahimik kapag naiiwan akong mag-isa.

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now