012: Messy Delivery

227 16 35
                                    

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Ramdam ko ang malakas na hampas ng hangin sa aking mukha na nagmumula sa helicopter na kabababa lamang mula sa ere. Kasalukuyan kaming nasa tuktok ng building kung saan located ang opisina ni Kuya Lance, may helipad ito at doon kasalukuyang nakahinto ang isang uri ng helicopter na hindi ko alam ang tawag.

Hindi ko inaasahan na sa ganitong paraan nila ako susunduin. Akala ko naman simpleng car ride lang, may kasama palang helicopter. Wala rin namang sinabi si Dennis habang magkausap kami.

Kuya Lance seemed to have found some sort of entertainment dahil kanina pa ito nakangisi at tila ba natatawa sa aking reaksyon. Hale is rich, yes, but I have never experienced riding a helicopter dahil... I am always left at home alone.

Isang malalim na hininga ang aking pinakawalan bago muling dumapo kay Kuya Lance ang ang aking paningin.

He was carrying a briefcase containing the cash for the payment. He volunteered to carry it for me. May himig ng pang-aasar ang kaniyang mga salita nang sabihin niyang hindi raw pwedeng mabigatan ang isang prinsesang tulad ko. Bukod pa roon, pakiramdam ko ay marami itong ihahabilin sa aking mga kasama.

I appreciate that he is concerned, kaya lang hindi naman na sila sanggol na kailangang ibilin pa ang lahat. They probably know what to do dahil matagal na rin yata silang nagsisilbi sa Black Heaven Organization.

"Hi, Miss Lei!" Dennis said, waving hugely. Parang kanina lang ay puro kalokohan sinasabi niya, ngayon biglang naging magalang.

"Where's Alverde?" Kuya Lance asked while handing Dennis the money.

"Up there. He doesn't want to see his best friend in the whole wide world," Dennis replied, grinning.

"Bring her home unscathed. Otherwise, you are all dead," malakas na sabi ni Kuya Lance na siya namang nakapagpailing sa akin.

Jeric was the one who first offered his hand when I went up. He held my hand and pulled me upwards so that I could sit with them. Sa aking kinauupuan ay katabi ko ang isang nakasimangot na Trevor. His arms and legs were both crossed and he was trying to avoid my gaze. Parang gusto nitong iparating na wala itong pakialam sa akin. Ayos lang naman. Ako naman itong humingi ng pabor sa kanila, so dapat ay wala akong reklamo.

Jeric immediately handed me some ear protection gear na agad kong isinuot. Dennis was the one coordinating with the pilot kaya doon siya nakaupo sa tabi nito at malapad ang kaniyang ngiti na para bang excited na excited ito sa aming gagawin.

Magbabayad lang naman kami at kukuha ng painting. Anong exciting doon? Hay naku, Leirin Andrea, huwag ka ngang kj!

Lumipad ang helicopter at hindi ko alam kung gaano katagal kami sa ere dahil nalilibang ako sa tanawin. Hindi ko nga rin sure kung sa south o north ba kami nagpunta. Ang alam ko lang ay na-enjoy ko ang pagsilip sa view.

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now