023: Mouth Sewn Close

167 14 31
                                    

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

LEIRIN ANDREA PATTERSON

I never understood why, but I always sought solace in corners of any place. These corners felt like they hid me from the cruelty of the world. With my knees bent to my chest and arms wrapping them, I rock myself back and forth, whispering comforting words.

I'm fine. I will be fine.

She was just trying to get into my head. She was just trying to make me hate my life here so that I would come with her. Para ano? Para gamitin niya rin ako laban sa aking pamilya? Hindi ako papayag.

Do you know what I hate the most? Kahit anong pangungumbinsi sa sarili ang aking gawain ay patuloy akong lumulubog dahil sa patong-patong na pangyayaring maaaring magsilbing ebidensya sa sinasabi ng babaeng iyon.

Nagtatalo ang aking isipan dahil sa nangyari noong gabi ng aming huling misyon. I know the mission succeeded, but Trevor and his negligence that night sends a message to me. He wasn't normally like that. Kaya nga ako tiwala sa kaniya dahil sa self-sufficiency at initiative niya. How come he was almost hurt that night? I feel secure in his presence because I know he is physically capable.

Idagdag mo pa na humingi siya ng tawad. Ibig sabihin ay aminado siyang nagkaroon ng pagpapabaya sa parte niya.

Isama mo pa iyong nasaksihan kong biglaang pagsuntok sa kaniya ni Dennis. Hindi ko naman na alam kung ano ang napag-usapan nila dahil dinurog nila ang communication device nila. Nakita ko lang kung paano siya kinuwelyuhan ni Dennis at para bang nagalit ito kay Trevor.

Hindi ko na alam. Hindi ako dapat mabahala.

Gusto ko ang kasalukuyang buhay ko, subalit hindi ko naman alam kung ano ba ang tunay kong halaga sa mundong ito. Hindi ko alam kung talaga bang hinahanap ako ng pamilya ko o talagang nagkataon lang na napulot ako ni Trevor sa kung saan kaya naman nahanap nila ako.

Sa takot na ipinakikita ni Trevor at Kuya Lance nang aking banggitin ang tungkol sa babaeng nagpakilala bilang aking ina, sumasagi rin sa aking isipan ang posibilidad na hinanap nila ako pero sadyang itinago lamang ako ng kabilang kampo.

Ang hirap. Kung tutuusin ay hindi ko naman dapat isipin dahil ang mahalaga ay narito na ako kasama ang aking tunay na pamilya. Hindi ko lang maiwasang isipin na paano kung buhay si Lyrie? Paano kung hindi siya namatay? May puwang ba ako sa mundong ito? Magkakaroon ba ako ng pagkakataong pasukin ito?

Mananatili ba ako bilang Olivia at mamumuhay nang matiwasay kasama si Hale? Totoo ba ang sinasabi ng babaeng nagpapakilala bilang aking ina na kahit gaano niya ako itago ay mahahanap at mahahanap ako ng mundong ito?

Ang daming tanong sa aking isipan na hindi ko masabi nang malakas dahil hindi ako sigurado kung sino ang nagsasabi ng totoo.

Isinubsob ko ang aking mukha sa aking tuhod. Pilit kong inilabas ang bigat sa aking dibdib. Pilit pinagagaan ng aking mga luha ang pag-aalinlangan na dulot ng mga kilos na parang walang kasiguruhan, pero sa bawat tahimik na hikbi ay mas sumisikip lamang ang dibdib imbes na mabawasan ang pait.

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now