020: Planning Phase

174 13 28
                                    


TREVOR JAKE ALVERDE

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

TREVOR JAKE ALVERDE

I was seething. Unsure if it is about the dangers Leirin might face or the fact that Sir Larry quickly offered a seat on Sphere One to Leirin. Hindi man ganoon kadali pero gaano pa lang ba ang alam niya bilang parte ng Black Heaven Organization? She can't even protect herself. She needed to rely on everyone around her so she could survive.

I have no problem doing things for Leirin since I was the one who offered to help her. Hindi naman niya hiningi sa akin. I just feel like it was too unfair on Lyrie's side. Halos ibuwis niya ang buhay niya para sa Black Heaven Organization pero hindi man lang siya ma-acknowledge ng pamilya niya. Itinatanggi pa nga ni Lance ang pagiging magkapatid nila ni Lyrie.

Ano bang ginawa ni Lyrie sa kanila para ganoon ang pagtratong matanggap niya? Ano na ba ang napatunayan ni Leirin sa kanila para bigyan siya ng pagkakataong magpakitang-gilas para mapunta sa kaniya ang posisyon matagal nang hinahangad ng kakambal niya?

Skills wise, wala sa kalingkingan ni Lyrie si Leirin. Anong kahibangan itong naiisip nila?

Hindi ko maiwasang mainis sa ngisi ni Lance. Parang tuwang-tuwa ito sa kaniyang narinig. Hindi nakalagpas sa aking paningin ang pagpasada ng kaniyang mata sa aking gawi.

Ibinulsa ko ang nakakuyom kong kamao sa aking jacket. Putangina, parang kalokohan lang ang lahat.

I am not discrediting Leirin's effort, but it feels like she doesn't deserve this. Lyrie deserves it more than her.

"So, take your pick," saad ni Sir Larry.

Halos lahat ay napatingin sa direksyon niya, nag-aabang ng kung ano man ang sasabihin niya.

If she's wise enough, and worthy of the position, she would choose our seniors—Lance and his friends to be specific. Mas magiging madali ang mga bagay-bagay para sa kaniya kung sila ang pipiliin niya dahil batikan na rin ang mga ito.

I didn't know what kind of magic she had, but when she looked in my direction and smiled at me, kumabog ang dibdib ko.

Is she...

"I'd like to have Sparrow, Crow, Robin, and Jay."

Agad kaming nagkatinginan ni Dennis matapos marinig ang kaniyang sinabi. Napunta ang aking tingin kay Lance when he scoffed. Isang makahulugang ngisi ang kaniyang ibinigay sa akin. Ano na namang binabalak niya?

Nakaramdam ako ng panlalamig nang maalala ko ang ginawa namin para lamang matulungan si Leirin. Natuklasan na kaya niya ang mga ginawa naming pagbabago sa sistema?

"Alright, I will send the details to you. I will be waiting for your report. Dismissed," Sir Larry said, closing the short meeting before leaving us all.

"Good luck with your chosen people, Dove," Lance said with a sarcastic smile. He was mocking Leirin's choices.

He must be thinking that his sister is crazy for choosing us. I am confident that it wouldn't mean anything to Leirin dahil may sarili itong paniniwala tungkol sa mga tao sa paligid niya. One of the many things she's good at is trusting her intuition. Ang nakakatakot lang ay mabilis itong magtiwala na posibleng magdala sa kaniya sa panganib.

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now