010: Replacement

280 18 30
                                    

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LEIRIN ANDREA PATTERSON

I was sitting in the lounge, contemplating if I came too early or Terrence was just late. Wala tuloy akong magawa. Nakatingin lamang ako sa kawalan dahil wala naman akong ibang kasama sa lugar na ito dahil karamihan sa kanila ay abala na sa kani-kanilang mga gampanin.

Napaayos ako ng upo nang may pumasok sa lounge. Nabuhay ang dugo ko dahil si Trevor iyon. Agad akong tumayo para batiin sana siya.

"Trevor!" I squealed before jumping onto him and hugging him. Mukhang nabigla ito at muntik nang ma-out of balance pero agad itong nakaayos kaya hindi kami bumagsak na dalawa.

"Oliv—"

"Call me Leirin," agad na putol ko sa sasabihin niya.

"Yeah, right," walang buhay na tugon nito bago ito bumitiw sa akin. Parang hindi ito masaya na makita ako. Napanguso na lamang ako bago bahagyang dumistansya sa kaniya.

"Kumusta ka na, Trevor?" malambing na pagtatanong ko dito. He seemed a bit hesitant before he answered my query.

"I'm all good. How about you? How are you coping with your new life and the truth?" he coldly answered and asked.

"Things are going smoothly as of now. Madali sa akin ang mga bagay-bagay dahil sa gabay ni Dad at Kuya Lance. Palagi nila akong kino-comfort," nakangiting sagot ko. Wala naman akong nakuhang reaksyon mula sa kaniya. Simpleng pagtango lang ang kaniyang ibinigay sa akin.

"Terrence was accommodating, too," I continued. It seemed like that sentence piqued his interest dahil kumunot ang noo nito. "He knows what he is talking about. He answers my questions even though they sound stupid, he was nice and..." I paused, weighing whether I should or shouldn't say the next words. "Good looking," I calmly continued.

Trevor froze for a moment before he started walking out of the lounge. Anong problema niya?

"Saan ka pupunta?" I curiously inquired.

"To the firing range. I'm bored," simpleng sagot nito.

"Sama ako! Maybe you could teach me," excited na suggestion ko.

He looked back at me with a smirk before he replied.

"Why not ask your nice and good-looking trainer to teach you?"

"What's your problem with that? Totoo namang good-looking si Terrence, and he is much nicer than you," maarteng sagot ko naman sa kaniya. Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip niya pero natagpuan ko na naman aking sarili na nakakulong sa pagitan ng kaniyang mga braso habang nakasandal sa pader.

I would have cowered in fear if our situation was like our first meeting, but no. I looked up at him to challenge him in a staring contest, but it felt like I was on the losing side because his eyes were hypnotizing.

"Your mouth may be saying he was good-looking, but I know I am still the one you are looking for, Leirin."

Hindi ko alam kung bakit subalit naramdaman ko ang pag-iinit ng aking pisngi nang banggitin nito ang aking tunay na pangalan.

The Wicked and the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon