005: Betrayal

479 22 24
                                    

OLIVIA FAYE ELEAZAR

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

OLIVIA FAYE ELEAZAR

Ah! Comfy clothes! I miss our room!

Tumalon ako sa kama at yumakap kay Hale. Agad nitong hinalikan ang aking noo bago niya ipinatong sa aming dalawa ang aming kumot.

"I love you," bulong nito habang titig na titig sa akin. "Masaya akong nakauwi ka na. Pinahirapan ka ba nila? Anong ginawa nila sa iyo? Sinaktan ka ba nila?" sunod-sunod na tanong nito habang nakahawak sa aking pisngi. His longing eyes were staring at me, bakas ang pag-aalala dito at kita ko rin ang pagiging restless nito dahil sa itim sa ilalim ng kaniyang mga mata.

"Hindi naman. Naging maayos naman ang lagay ko doon," malambing na sagot ko. "Huwag na natin pag-usapan. Ang mahalaga ay nakauwi na ako at kasama na kita ulit," pagpapatuloy ko sabay lapat ng aking ulo sa kaniyang dibdib.

Napipikit na ako nang aking marinig ang paghikbi ni Hale.

"I'm sorry, hindi kita dapat pinabayaang mag-isa," sabi nito sabay halik sa aking ulo. "Akala ko mawawala ka na sa akin. Sorry kung nadamay ka pa," pagpapatuloy nito habang mamula-mula ang kaniyang mata mula sa pag-iyak. "Mahal na mahal kita, Olivia. Hindi ko kakayaning mawala ka sa akin," he said cupping my face.

"I'm sorry. Patawarin mo ako kung nadadamay ka sa mga ginagawa ko. Pangako, one of these days, I will stop and we will both settle in peace," he sobbed.

"Mahal kita Hale, and my trust in you is bigger than all the dangers awaiting for us out there. Alam kong hindi mo ako pababayaan kaya huwag kang mag-alala. You have me. You will always have me, and I will always come home to you," paniniguro ko sa kaniya bago ko hinalikan ang kaniyang labi.

I was able to finally sleep peacefully that night. Mahigpit ang pagkakayap sa akin si Hale na para bang ayaw nitong mawala ako sa kaniyang tabi pero wala siyang choice pagdating ng umaga dahil kailangan niya raw magreport sa organisasyon nila. Nagsabi pa ito na gagabihin siya ng uwi sa dami ng kailangan niyang gawain.

Ayos lang naman. Wala naman akong pagpipilian.

"Hindi ka muna pwedeng lumabas," habilin ni Hale.

Marahan naman akong tumango sa kaniya bago ko siya nginitian.

"Kung may kailngan ka, may mga tauhan tayo sa labas na pwede mong utusan. Huwag na huwag kang lalabas, okay? Hindi ko na kakayanin kung may kukuha sa iyo ulit," muling pagbibilin nito.

"Opo, dito lang ako. Hindi ako lalabas. Mag-iingat ka," malambing na sagot ko naman bago ako yumakap at humalik sa kaniya. "Mahal kita," sabi ko pa habang may matamis na ngiti sa aking labi.

Nang makaalis ito ay nagkulong na lang ako sa kwarto namin ni Hale. Wala naman akong ibang pwedeng gawain dahil pinagbawalan niya akong lumabas. I grabbed a book from the shelf then I busied myself by reading. The uneasiness and a few sleepless nights lulled me to sleep. Magtatanghalian na noong magising ako. Pagpunta ko sa hapag ay may isang paperbag na naglalaman ng food delivery.

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now