001: An Eye for an Eye

584 38 40
                                    

OLIVIA FAYE ELEAZAR

Oops! This image does not follow our content guidelines. To continue publishing, please remove it or upload a different image.

OLIVIA FAYE ELEAZAR

It felt like a dream. To wake in the arms of the person you love after a lengthy and comfortable sleep. Sumiksik ako sa dibdib ni Hale habang mahimbing pa itong natutulog. Kahit bahagya pang humihilik ay ipinulupot nito ang kaniyang braso sa aking bewang. He muttered words I couldn't understand. Hindi ko alam kung naalimpungatan ba ito o nananaginip. Ang alam ko lang ay natutuwa ako sa kaniya.

Dahil sa lamig at dilim ng paligid ay muli akong nakatulog habang magkapulupot kami ni Hale sa isa't isa. Pareho kaming nagising nang tumunog ang alarm nito.

Hale gently tackled me back to bed after I turned the alarm off. Isinubsob nito ang kaniyang mukha sa aking dibdib bago niya ipinasok ang isa niyang kamay sa loob ng aking t-shirt para pisilin ang aking hinaharap. I played with his hair habang hindi ko mapigilan ang ngiting unti-unting umuusbong sa aking labi.

Hanggang ganiyan lang naman si Hale. Hindi naman niya itutuloy ang kaniyang ginagawa dahil sabi niya, he is respecting my wishes. Totoo naman, humiling kasi ako sa kaniya na kung pwede ay saka na lang namin gawin iyon kapag ikinasal na kami. Hindi dahil sa relihiyon o kung ano mang paniniwala, gusto ko lang na sigurado ako sa taong pagbibigyan ko, gusto ko na sigurado rin sa akin ang taong iyon at kaya akong panagutan.

Hale's second alarm shook his soul. Nakasimangot itong tumayo at natatawa ko naman itong binati.

"Good morning, cutie," malambing na bati ko dito. Hinalikan niya muna ang aking noo bago ito pupungas-pungas na sumagot.

"Good morning," saad niya.

"Ipaghahanda kita ng breakfast," sabi ko naman habang nakapinta ang isang magandang ngiti sa aking labi.

"Thank you, sexy," he said with a wink before he went to the bathroom. Kailangan na niyang maghanda dahil pupunta siya sa kaniyang opisina.

After that incident, Hale and I moved to another one of his properties, a smaller and cozier one. We get to have privacy dahil bantay lang sa gate ang meron kami, hindi katulad sa malaking bahay na dati naming tinitirahan na halos lahat ng pinto ay may tauhan siyang nakabantay.

Tumayo na ako at inayos ko muna ang kama bago ako nagtungo sa kusina. Irereheat ko lang naman ang kinain namin kagabi na pasta. Marami pa iyon at wala namang ibang kakain bukod sa aming dalawa ni Hale. Siguro ay tatawagan ko na lang sina Stan at Rey para tanungin kung may almusal ba sila.

Agad kong kinuha ang cellphone ni Hale para mag-video call sa kanilang dalawa gamit ang account nito.

Stan was first to answer and he was sipping on a coffee cup habang nakabukas ang laptop nito sa kaniyang harap.

"Tangina mo, ang aga—good morning, Liv. Hehe," nahihiyang bati nito nang mapagtantong ako ang kaniyang kausap at hindi si Hale. Ang lutong pa ng mura niya, tapos biglang nahiya. Ang kulit lang.

The Wicked and the DamnedWhere stories live. Discover now