015: Wings

215 13 34
                                    

LEIRIN ANDREA PATTERSON

Oops! Ang larawang ito ay hindi sumusunod sa aming mga alituntunin sa nilalaman. Upang magpatuloy sa pag-publish, subukan itong alisin o mag-upload ng bago.

LEIRIN ANDREA PATTERSON

The sun hitting my skin sent a sense of serenity as I walked towards the car that would bring me to Hidden Heaven.

Kuya Lance said I need to meet Terrence there because starting next week, I will become an official part of Sphere Two.

Pakiramdam ko ay kulang pa ako sa training, lalo na sa pisikal na aspeto, but hopefully, matulungan ako ng iba pang miyembro ng Sphere Two.

Isang tipid na ngiti ang aking ibinigay sa aming tauhan na siyang nagbukas ng pinto ng sasakyan nang ako ay sumakay. Nakasipat lang ako sa daan habang nababalot ng katahimikan ang sasakyan. They were too awkward to talk to me.

Nagising ang aking tulalang pagkatao nang biglang nag-preno ang driver.

"Akala ko ba cleared ang daan? Bakit biglang may construction dito?" dinig kong tanong ng aming driver sa kaniyang kasamahan na nasa shot gun seat.

Sumilip ako at tiningnan kung ano ang kanilang sinasabi. May nakalagay na signage kung saan nakasulat ang mga salitang 'road closed'.

"Tawagan mo muna si Sparrow bago tayo tumuloy, hindi ako sigurado sa detour na 'to," saad ng driver sa kaniyang katabi.

"C335 F926 to HH. Nandiyan ba si Sparrow?" dinig kong pagtatanong ng isa pa. They are using an earpiece that serves as a communication device that connects them to the headquarters.

"Papunta pa lang mula sa meeting kasama ang supplier," sabi pa nito sa driver. He clicked his tongue before he suggested to check with the HQ kung cleared ba ang alternative route.

What's with me and car rides? Bakit parang palagi na lang nagkakaroon ng aberya?

Kinuha ko ang aking cellphone para tawagan ang number ni Trevor na nakapangalan bilang Crow. Sabi naman ni Terrence ay maaari ko iyong tawagan kung may kinalaman sa kaligtasan ko, and car ride intervention for me is kind of scary following my past experiences with Hale and the organization.

"Are you okay?" he immediately asked after the ringing was gone. Hindi man lang siya naghello sa akin, pero understandable naman. Siguro ay SOP talaga na kapag may emergency lang tatawagan ang number nila na nakapangalan sa code name nila.

"Yes, I am okay. Hindi lang kami sigurado sa dadaanan namin. The driver was informed that the road was cleared, but suddenly it was closed. They already reached out to the headquarters to check if okay ba ang alternative road," mahabang sabi ko sa kaniya.

"I'll let Dennis check. What's your car code? I will fetch you, and will tail your car," masungit na sagot nito sa akin.

"C335?" hindi siguradong tugon ko. Lumingon sa akin ang driver at tumango-tango.

"Stand by for a moment, stay on the call," he ordered and his side was suddenly filled with silence. Humugot na lamang ako ng malalim na hininga habang naghihintay sa kaniya.

The Wicked and the DamnedTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon