Chapter 3: 3rd Generation Ng Shohoku

127 10 3
                                    

Matapos makapasa si Sakuhako sa pagsubok para ganap na makapasok sa basketball training school tinawagan ni Daisuke si Sakuragi para ibalita ang nangyari

Kinabukasan, suminag ang liwanag ng araw sa bintana sa mukha ni Kaite, nagising sya

"Umaga na pala" sabi nya pagbangon nya, napalingon sya sa kanan nya

"Magandang Umaga" sabi ni Sakuhako na nakaupo kasama si Mervis alagang pusa nya

"Wahhhhhhhhh" malakas na sigaw ni Kaite sabay malakas na suntok sa mukha ni Sakuhako

"Ahhhhraahhyyy" na halos mabungi ang mukha

"Anong ginagawa nyohh ditohh sa bahay kohhh guhhhhh" galit na galit na umaga ni Kaite

"Pa-pasensya nahh" na may malaling bukol sa pisngi na si Sakuhako

Nang mahimas masan si Kaite

"Nakakainis, akala ko libre lahat, akala ko buhay mayaman hindi para kaylangan sarili mong tutuluyan, pati pagkain, gutom na gutom na akohhh kagabi pa kami palaboy laboy sa kalsadahh" na nanghihina sa gutom na si Sakuhako

Naiintindihan ni Kaite ang kalagayan ni Sakuhako, dahil ganyan din sya noong una, kaya bago nya ipaliwanag ang lahat

Habang kumakain si Sakuhako kasama ang pusang si Melvis

"Nong una akala ko libre rin, pero hindi pala sariling kwarto, mabuti na lang nagbaon ako ng pera, ahh shanga pala, ako nga pala si Kate Hashigawa, galing akong Amerika, tatlong buwan palang ako dito sa Japan" pagpapakilala ni Kaite na ang tunay na pangalan ay Kate

"Huh? Bakit humaba ang buhok mo?" Tanong ni Sakuhako

"Yan pahh talaga napansin mohh" mukhang nainis na Kate

"Eh bakit ka ba kasi nagpapanggap na lalaki?" Tanong ni Sakuhako

"Para makilala ang papa ko" sagot ni Kate

"Ang papa mo?" Tanong ni Sakuhako na napatigil sa pagkain

"Sa Amerika kami nakatira, kasama ang mama ko, isa syang Coach sa Amerika, nong isang taong gulang palang ako, ang kwento nya sakin, umalis si papa ng hindi nagpapaalam at hindi na bumalik, Tinanong ko si Mama kong anong pangalan ng papa ko pero nya sinasabi, don ko nalaman na mayron hindi tama kahit anong pakiusap ko ayaw talaga ni mama sabihin hanggang sa binigyan nya ako ng isang clue, ang sabi nya naging studyante raw ang papa ko noong high school sila, at napabilang sa legendary kings, inutusan nya ako na hanapin si papa, hindi ko alam kung anong iniisip ni mama, gusto kong malaman kung sino ang papa ko ar kung ano ang nililihim ni mama, pumunta ako dito sa Japan kasama ang pinsan kong si renz, pero hindi pumayag ang chairman ng association na sumali ako, gusto nya sa female training school ako pumasok, ginawa ko ang lahat para mapapayag sya, Kaya heto ang kapalit sa tuwing pupunta ako sa Basketball Association kaylangan magbihis akong panglalako" sagot ni Kate

"Ganun pala, ibig sabihin iilan lang nakakaalam na babae ka talaga" sagot ni Sakuhako

"Hindi yun sa ganun, pero teka kanina pa tayo nag uusap, ano bang pangalan mo?" Tanong ni Kate

Biglang tumayo si Sakuhako na kumikinang pa

"Tawagin mo na lang akong dakilang sports man" sagot ni Sakuhako

"Geehhhh?" Tunganga na si Kate

"Ako ang dakilang gwapong astig at pinakamagaling na basketball player sa buong mundo, Ang baskebolistang si Hanamichi Sakuhako" pagpapakilala ni Sakuhako

"Huh!" Medyo nabigla si Kate

Hindi nya gaanong napansin ang kayabangan ng pananalita ni Sakuhako dahil sa narinig nya

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon