Chapter 11: Ang Nakaraan Ni Ace Ang Takot Nya Kay Akito

131 7 1
                                    

Tatlong minuto ang lumipas at ang Team Shohoko A ang unang nakapuntos sa pamamagitan ng Fake shot ni Kate sa kumbinasyon nila ni Ace at ang resulta isang perpektong Alley oop ang nagawa ni Ace

Ngunit hindi magpapatalo ang Team Soulferus

Tumakbo sila para umatake, sana Power Forward ng Soulferus na si Ryūji ang bola

"Mukhang kailangan ko nang gawin toh, para makasabay sa kanya si Louk" sabi ni Kate sa kanyang sarili habang tumakbo

Nasa unahan nya si Louki

"Louk, Kaya mo yan tandaan mo ikaw ang pinaka magaling" sigaw ni Kate

Nang marinig yun ni Louki bigla na lang

"Wahhhhhh" sigaw nya na parang sinaniban ng demonyo tumakbo sya ng mabilis para habulin si Ryūji

"Anong nangyari?" Tanong ni Lyion ng Shohoku B na nanonood ngayon

"Si Louki, kapag may babaeng pumuri o nag cheer sa kanya habang nasa paglalaro sya bigla na lang syang nagbabago, para syang halimaw na dimo malaman" sagot ni Renz

"Huh? Nag tanong pa ako, Eh mahilig nga pala yan sa mga babae" sabi ni Lyion habang nasa likod nila si Sakuhako nakasandal parin sa pader ng gym tulog na tulog

Sa bilis ni Louki nagawa pang habulin ang katapat nyang si Ryūji

"Ano?" Nagulat na si Ryūji nang makita nyang nasa likuran na nya si Louki

"Humanda kah sakeenn huaahhh" sigaw ni Louki

"Ganyan nga wag mo syang hayaan na makapuntos" sabi ni Kate

"Oo, mahal ko itataya ko buhay ko para pigilan ang ungas na to" sagot ni Louki kaya napatigil sa pagtakbo si Ryūji

Habang ang mga kasamahan nila

"Grabe" sabi ni Kioko ang Center ng Shohoku A

"Mas lalo pa yatang lumala ang sayad nya" sabi ni Jai ang Point Guard ng Shohoku A

"Ganyan nga, wag mo syang hayaan na makalapit sa ilalim" sabi ni Ace

Habang sina Sakuragi, Rukawa, Yutaro at Gordon na nanonood

"Ahhk Anong nangyari? Bigla na lang nagwala yung isa" sabi ni Gordon

"Hhhmmm yan si Louki, Nang nakita ko ang batang yan, wala akong potensyal na nakita sa kanya, pero nong may mag cheer sa kanya bigla na lang nag iba ang pagkatao nya, Kaya nadiskubre ko na ang kakayahan nya ang nagbibigay sa kanya ng lakas ay dahil sa mga babae, Alam ni Kate na may tinatagong galing si Louk, matalino talaga anak mo Rukawa" sabi ni Sakuragi

"Hindi ko gusto ang isang yan" sabi ni Gordon

"Mahilig sa babae? Parang may naalala ako sa isang yan" sabi ni Yutaro ang coach ng Team Legendary

"Tumahimik kah nga" sagot ni Sakuragi

Habang si Rukawa

"Hindi ako papayag na makasama pa ni Kate ang mga abnormal na gong gong mga yan" sabi ni Rukawa sa kanyang isipan

Sa tindi ng depensa ni Louki nahihirapan si Ryūji

"Wag kang mataranta Ryū ipasa mo dito" sabi ni Hayami na nasa ilalim ng basket ang Sentro ng Team Soulferus

Binabantayan sya ni Kioko ang Sentro ng Shohoku A

"Heto" sabay tapon ni Ryūji ng bola papunta sa Sentro nilang si Hayami pero biglang tinapik ni Louki ang bola

"Hindi kahh makakapormahh" nagliliyab sa determinasyon na si Louki

"Magaling Louk" sabi ni Ace na agad kinuha ang bola

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now