Chapter 59: Si Irene ang #1 Female player sa Distrito vs Althena Tobirama

128 12 4
                                    

Sa bahay ng Hanamichi Family naghahanda na si Sakuragi para pumunta ng Basketball Association kung saan don ang location ng 2nd practice game ng Team Kanagawa at Team Shintai

Wala si Haruko sa bahay, umalis sya para sunduin ang dalawang batang nag aaral si Haruka at Sakura

Habang si Sonomi kapatid ni Sakuragi ay binabantayan si Lilia at Lara

Papaalis na si Sakuragi nang biglang

"Kuya" sabi ni Aisha

"Huh? Aisha bakit? May problema ba?" Tanong ni Sakuragi na dala dala na ang bag nya

"Sorry Kuya" sabi ni Aisha

Dumating si Sakuna

"Bakit hindi mopa sabihin? Kapag hindi mo sinabi ako magsasabi" sabi ni Sakuna

"Teka ano bang nangyayari?" Tanong ni Sakuragi

"Aisha, Kung hindi mo sasabihin ako ang magsasabi, Sakuragi itong si Aisha" napatigil si Sakuna dahil

"Kuya ang totoo nyan, May gusto ako kay hako" pag amin ni Aisha

"Ahhhh Anohh? Anong ibig mong sabihin Aisha?" Na naguluhan na si Sakuragi

"Nilason nya pag iisip ni hako, Hindi mo ba nakuha ang sinabi nya? Pinatulan nya ang pamangkin nya, Pinatulan nya si hako" sabi ni Sakuna na kinabigla ni Sakuragi

Di na napigilan ni Aisha ang pag iyak nya napaupo sya sa sahig, pakiramdam kasi nya wala syang UNTANG NA LOOB matapos syang tanggapin, paaralin, palakihin at ituring na kapatid ni Sakuragi ay ganito ang ginanti nya

"Aisha totoo ba sinabi ni Sakuna?" Na naging seryoso ang mukha ni Sakuragi

"Patawad Kuya" sagot ni Aisha

"Hindi ako makapaniwala, Paano" sabi ni Sakuragi

"Sorry Kuya Patawad" sabi ni Aisha

"Ngayon insan anong binabalak mo? Hindi na sya dapat nandito sa bahay, Delikado si hako sa kanya" sabi ni Sakuna

"Mag usap tayo Aisha" sabi ni Sakuragi

Habang si Kumi na narinig pala ang pinag uusapan nila

"Ahhhkk Si Hako at Aisha nagkaroon ng relasyon? Ano bang nangyayari sa pamilyang itoh" sabi ni Kumi sa kanyang isipan

Masinsinan na kinausap ni Sakuragi si Aisha, inamin ni Aisha ang lahat, wala syang inilihin kahit na isa, pati ang kasunduan nila ni Sakutou sinabi nya rin

"Hindi ka aalis ng bahay, Kakausapin ko si Hako, mas mabuting hindi malaman ni Haruko toh, dahil kapag sya na ang nagdesisyon wala na akong magagawa, sya ang nasusunod sa lahat ng bagay dito sa bahay" sabi ni Sakuragi

"Kuya, Alam kong mali ang ginawa ko, Wala kaming relasyon ni hako, Kundi ay inamin nya sakin na gusto nya ako at gusto ko rin sya, Maling mali talaga, Kaya tatanggapin ko kung paalisin nyo ako" sabi ni Aisha.

"Hindi ka aalis, sinabi kona basta hindi dapat malaman ni Haruko to, kakausapin ko si Hako mamaya, at pagsasabihan ko si Sakuna, Kapag umalis ka magagalit sakin si Sonomi at ayokong mangyari yun" sagot ni Sakuragi

"Hindi Kuya, Gusto kong dumistansya muna, meron akong natanggap na trabaho sa Saitama, Next week aalis ako, alam narin toh ni Ate Sonomi, Kuya maraming salamat dahil kahit na nagkamali ako tinuturing mo parin akong kapatid mo" sabi ni Aisha

"Ano bang sinasabi mo? Kapatid nman talaga kita, Aisha wala na akong ibang gustong mangyari kundi ang mapabuti ka, kayo ng Ate mo kaya kung yan ang desisyon mo umalis dito, wala akong magagawa" sagot ni Sakuragi

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now