Chapter 20: Ang Kakayahan Ng Basketball Statistics Na si Kate Kaede

100 7 2
                                    

Sa limang minutong natitirang oras nagtawag ng Time Out ang Team ni Ace dahil sa pinapakita ni Lyion at sa kauna unahang pagkakataon nakagawa ng tama si Sakuhako matapos marebound nya ang bola, pati narin ang mga kasama nila na si Wiston, Renz at Ishiga lumabas narin ang galing nila

Sa bench ng Shohoku A para matalo ang Team ni Lyion may naisip ng paraan ang Basketball Statistics na si Kaede Kate

"Kung napapansin nyo, lumabas na ang tunay nilang kakayahan, Upang mapigilan ang paglaki ng lamang nila, Kioko inaatasan kitang ikaw ang bantay kay hako, ikaw ang pangalawa sa pinakamagaling pagdating sa depensa, hindi sya marunong tumitira sa malayo, o kahit leyap. Kung magagawa mo pigilan ang rebound nya may tyansa na saatin mapunta ang bola, Ang gagawa non ay ikaw Louk-kun alam kong kaya mo si Kuya Renz, mas mataas kang tumalon kaysa sa kanya at hindi rin sya mahusay pagdating sa rebound kaya may tyansa na makuha mo ang rebound depende kung mapipigilan ni Kioko si Hako, tandaan mo ikaw ang pinakamagaling" sabi ni Kate

"Akong bahala ipaubaya mo sakin mahal ko gwahhhh" na buhay na buhay ang dugo ni Louk ang power forward nila

Napalingon nman si Kioko kay Sakuhako na panay ang tawa sa subrang pagmamalaki at pagmamayabang sa rebound na ginawa nya

"Hindi ko sya ituturing na baguhan, akong bahala sa kanya" sabi ni Kioko ang Sentro nila

"Ganun nga" sagot ni Kate

"Ace, magaling si Lyion masasabi kong sya na ata ang pinakamagaling na point guard sa atin, bukod pa dyan magaling syang shooter isa rin syang small forward, wag mo syang hamunin" sabi ni Kate

"Sinasabi mo ba na mas mahusay na sya kaysa sakin?" Tanong ni Ace

"Hindi nman sa ganun, kung bilis ang pag uusapan mas nakakalamang sya, mahusay din sya sa ball handling kaya mabilis syang nakakalusot sayo, hindi ko sinasabi na mahina ang depensa mo, sadyang sa nakikita ko may kakayahan si Lyion na makita ang kahinaan ng kaharap nya, para manalo tayo ipasa mo sakin ang bola, may palagay akong ang magbabantay sakin ay si Ishiga, wala akong laban sa kanya kaya gagawin ko ang lahat para ishot agad ang bola, Jai makinig ka sakin sigurado akong tutulungan ni Wiston si Hako, wag mo syang hayaan na makalapit sa ilalim ng basket" sabi ni Kate

"Naiintindihan ko" sagot ni Jai

Habang si Ace nanahimik sa mga narinig nya kay Kate

"Wag kang panghinaan ng loob, Mananalo tayo" sabi ni Kate

"Huh! Sinabi mo eh" sagot ni Ace

Tumayo na sila dahil magsisimula na muli ang laban sa natitirang limang minuto malalaman kung sino ang mananalo

Pagdating nila sa gitna ng court dahil nakuha ng shohoku b ang rebound, ipinasa na ni Daisuke na kasalukuyan referee ngayon ang bola kay Lyion

"Hindi kayo mananalo samin, subukan nyo kong pigilan" sabi ni Sakuhako

"Challenge accepted hako" sagot ni Kate

"Ano? Ggrahhh" na nainis na si Sakuhako

Dedepensahan na sana nya si Kate ngunit bigla syang hinarangan si Kioko ang sentro ng Shohoku A

"Tumahimik ka at ako ang harapin mo"sabi ni Kioko

"Ang yabang mo Kiokokak"sagot ni Sakuhako

"Anong sinabi mo?" Tanong ni Kioko

"Wala ang sabi ko Kioko, ang taas mong tumalon parang palaka hehehe" banat ni Sakuhako

"Palaka? Ggrahhh magbabayad kahh" na agad na high blood na si Kioko ang Sentro ng Shohoku A

Dinikitan nman ni Louki si Renz

"Malaki ang tiwala sakin ni Kate kaya hindi ko hahayaan na makuha mo ang rebound" sabi ni Louki

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon