Chapter 32: Sakuhako and Otano Vs Akito and Ace 2on2

114 11 3
                                    

Kinahapunan, pumasok si Sakuhako sa kwarto nya, dahil isang taon syang nawala

"Kahit na nawala ako ng isang taon, malinis parin, si mama talaga" sabi ni Sakuhako

Nilapag nya sa kama nya ang bag nyang may mga damit at ilang gamit nya para ayusin sa kwarto nya nang biglang may narinig nyang

"Aray" mahinang boses

"Guh?" Pagtanggal nya ng kumot

"Ahhkk Miu anong ginagawa mo dito" gulat na si Sakuhako

Nagtatago pala sa ilalim ng kumot ng kama ni Sakuhako

"Nandito ako para magbigay ng serbisyo, Sinabi sakin ni mama Haruko na tulungan daw kita mag ayos ng kwarto mo" sabi ni Miu

"Ano? Mama Haruko? At kaylan mopa sya naging mama?" Tanong ni Sakuhako

"Dahil sinabi ko na magpapakasal tayo balang araw kaya mama na ang tinawag ko sa kanya, at pumayag nman sya" sagot ni Miu

"Ano bang pinagsasabi mo? Ggrahhh kaya ko nang ayusin ang gamit ko, lumabas kana" sagot ni Sakuhako

"Sigurado kaba? Ayaw mo ng serbisyo ko?" Tanong ni Miu

"Ayaw ko, Bukas pupunta tayo ng shohoku, nasaan nga pala si Otano" tanong ni Sakuhako

"Sumama sya kay Kuya Sakutou" sagot ni Miu

"Ganun ba? Oh sige na lumabas kana" sagot ni Sakuhako

"Hindi pwede, Master" sagot ni Miu

"Master?" Tanong ni Sakuhako

"Master ibig sabihin mister! mister ko balang araw, Ayoko umalis, kaylangan kong sundin ang utos ni mama Haruko" sagot ni Miu

"Ggrahhhhhh sinabi nang" sabay hinila ni Sakuhako palabas ng kwarto nya subalit biglang dumating si Aisha

"Huh?" Na nahuli nya, agad na naisip ni Aisha na naghaharutan ang dalawa

"Ate Aisha nagkakamali ka ng iniisip" tarantang paliwanag ni Sakuhako

"Ahhh sorry, naka storbo ata ako" na agad na sinara ni Aisha ang pinto

"Ahhhkk Ahhhhhhh" malakas na sigaw ni Sakuhako, at sinipa si Miu palabas ng kwarto nya

Pagkalabas ni Miu

"Hay! Ano bang nangyari kay Miu? Simula ng nangyari yun" sabi ni Sakuhako na may naalala sya

Sinimulan na nyang ayusin ang mga gamit nya sa kwarto nya

5pm ng hapon binabantayan ni Sakuhako ang bagong kapatid nya na si Lara

Si Haruko nman tumutulong sa pagluluto kasama si Sonomi, dumating si Sakuna para tumulong din

Habang si Aisha nman ay tinutulungan si Haruka at Sakura sa kanilang assignment sa school sa kwarto habang tulog ang dalawang kapatid nila na si Lucy at Lilia

Habang karga ni Sakuhako si Lara dumating si Akito kakauwi lang

"Akito" sabi ni Sakuhako subalit tinignan lang sya ni Akito

"Mabuti nman at sumali ka sa shohoku, bukas pupunta ako sa gym, aasikasuhin ko rin ang pag enrole ko" sabi ni Sakuhako

"Anong pakialam ko" sagot ni Akito

"Anong sinabi mohh ggrahhh" na nabwisit na si Sakuhako, umiyak ang kapatid nyang karga karga nya sa ingay nya kaya

"Tahan na lara"pagpapatahan ni Sakuhako

Habang si Akito derederetso na papunta sa taas sa kwarto nya

Pagkaalis ni Akito dumating si Miu

"Master gusto mo bang ako na mag alaga sa kanya?" Tanong ni Miu

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now