Chapter 9: Laban ng Mag Ama Ang Slam Dunk Ni Sakuhako Laban Kay Sakuragi

137 7 2
                                    

Sa hindi inaasahan nalaman ni Sakuhako na ang Chairman ng Association ay ang tatay pala nya, pero hindi nya ito binigyang pansin sa halip ay bumalik ang galit nya, aatras na sana sya sa pagsusulit pero pinigilan sya ng tatay nya at hinamon sa isang pustahan ng 1on1 sa basketball

"Kapag nanalo ako, makakapasa na ako? Pwess hindi kitahh uurungahhn" matapang na sagot ni Sakuhako

Nasa gitna ng court si Sakuragi habang nasa gilid ang coach ang mga bata manonood sa magiging laban ng mag ama

"Bakit kaylangan pang mangyari toh hay nako" sabi ni Daisuke

"Matanong ko lang po, diba ang sabi nila si Chairman ang tinitingala ng lahat ng basketball player dito sa ating bansa dahil sya daw ang pinakamagaling na basketball player, totoo po ba yan?" Tanong ni Kate

"Oo tama ka, noon nagkaroon ng isang basketball competition kung sino ang susunod na magiging Chairman ng Association, at sya ang tinanghal na pinakamagaling noon, sya ang napili ng Basketball Community" sagot ni Daisuke

Sa gitna ng court

"Paano nman kapag ako ang natalo?" Tanong ni Sakuhako

"Kapag natalo ka, uuwi kana sa bahay, matagal ka ng hinihintay ng mama mo at ng mga kapatid mo" sagot ni Sakuragi

"Sinungaling kah, wala kang alam dahil palagi ka nman wala, Si Mama silang lahat wala silang pakialam sakin, lahat puro kay Akito wala na akong nagawang tama sa paningin nila" sagot ni Sakuhako

"Kaya ka umalis sa bahay tama ba? Ngayon na alam mo na, simula nong ako ang naging chairman, oo aaminin ko nawalan ako ng oras sa inyo, palagi akong busy pero sa sinasabi mo na lahat ng atensyon ay kay Akito nagkakamali ka, hindi ganyan ang mama mo alam mo yan" sagot ni Sakuragi

"Wala na akong pakialam fyan, Basta tatalunin kita para maging isa na akong ganap na Basketball player, tatalunin ko si Akito at ipapakita ko yun kay mama, mas magaling ako kaysa kay Akito, Sisimulan kona ditohh" sigaw ni Sakuhako

Naka pwesto si Sakuragi sa ilalim ng basket habang si Sakuhako tumatakbo papalapit sa kanya dala dala ang bola.

"Humanda kahh wahhhh" sigaw ni Sakuhako tumalon sya

"Anong gagawin nya?" Tanong ni Lyion na nanonood

"Hindi kaya" sabi ni Ace na nanonood

"Slam dunk?" Pabulong na sabi ni Kate

Nakita ni Sakuragi na nasa ere na si Sakuhako idadakdak ang bola gamit ang kanang kamay

"Makulit na bata" sabi ni Sakuragi at binuksan nya ang dalawang daliri nya sa kanang kamay nya na pansin nman ni Kate

"Ano? Dalawang daliri lang ang" sabi ni Kate sa kanyang sarili

Tumalon si Sakuragi at ginamit ang dalawang daliri nya tinapik ang bola sa lakas nito tumilapon ang bola pati si Sakuhako

"Ahhhh" bagsak si Sakuhako sa sahig

"Ahhh i-imposible ganun sya kalakas?" Nanlaki ang mga mata ni Kate

"Ano Hako? Susuko kana ba? Yan lang ba ang kaya mo?" Tanong ni Sakuragi

Tumayo si Sakuhako

"Ggrahhhh hindi ako susuko" na agad pinulot ang bola

"Pupulbusin kitahhh" sigaw ni Sakuhako tumalon ulit sya at tumalon din ang ama nya na nasa ilalim ng basket, dalawang darili ulit ang ginamit nya bagsak ulit si Sakuhako

Agad na pinulot muli ni Sakuhako ang bola tumalon ulit para idakdak subalit hindi nya magawa bagsak muli sya sa sahig

"Ano ba? Hindi nyo ba sya pipigilan? Baka may mangyari sa kanya" sabi ni Kate, habang tahimik lang sina Daisuke at iba pa nanonood sa laban ng mag ama

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now