Chapter 56: Ang Pag Amin Ni Ace Kay Kate, At ang Sagot Ni Kate

92 12 7
                                    

Kinabukasan sa Shohoku Basketball Gym House

Dumating si Ace, kinamusta sya ng kanyang mga Teammates

10am ng umaga breaktime, sa Shohoku Junior high school kausap nya ngayon si Kate, Sa table

"Umuwi kami ng maaga dahil malapit na ang Interjunior Tournament" sabi ni Ace kausap nya ngayon si Kate

"Halos dalawang linggo pa bago ang Tournament sa ngayon kailangan ko munang magfocus sa elimination games" sagot ni Kate

Ngunit napansin ni Ace na tila matamlay si Kate at mukhang maraming dinadalang problema

"Mayron bang nangyari? Meron ka bang problema?" Tanong ni Ace

"Huh? Anong sinasabi mo? Wala" sagot ni Kate at nanahimik sya

1pm ng hapon sabay na naglalakad si Ace at Kate patungo ng Shohoku gym house

At habang naglalakad sila matinding katahimikan ang bumabalot kay Kate hanggang sa

"Ace" sabi ni Kate

"Huh?" lumingon sa kanya si Ace

"Ano ang pakiramdam na walang magulang? Walang pamilya?" Tanong ni Kate

Tumigil si Ace sa paglalakad at ganun din si Kate

"Meron akong pamilya, Oo hindi ko nga sila tunay na magulang, Hindi mahalaga kung hindi ko sila kadugo ang mahalaga ay yung turing nila sakin ay tunay nilang anak, Kaya kahit na kailangan hindi ako nakaramdam ng walang magulang, walang pamilya, Bakit? Mayron ka bang problema Kate? Kanina ka pa tahimik" sagot ni Ace

"Tumawag sakin si papa kagabi, Ang sabi nya uuwi na sya next week, wala na silang pag asang magkabalikan pa ni mama, Dahil sa nag propose yung boyfriend ni mama, Ang saklap pa buntis si mama sa lalaking yun, Bakeett ganun ba kahirap na magkaroon ng sariling pamilya? Ang gusto ko lang nman magkaroon ng pamilya na sama samang kumain sa lamesa, nakatira sa iisang bahay, Ang sakit, Ang sakit bakit nagkaganito anghh" na bigla syang niyakap ni Ace

Hinawakan ni Ace ang likod ng ulo ni Kate at dinikit sa dibdib nya, habang umiiyak si Kate

"Maraming nagmamahal sayo at higit sa lahat, maraming nagmamahal sayo" sabi ni Ace habang lalong umiyak si Kate dahil sa sakit na nararamdaman nya

Hinawakan ni Ace ang magkabilaang balikat nya at iniharap nya si Kate sa kanya

"Makinig ka sakin, hindi ka nag iisa marami kang kaibigan, Una una ang shohoku, Ang shohoku ang isa sa pamilya mo, Hindi importante kung hindi mo sila kadugo dahil ang importante dito ay yung nararamdaman mo, ang ugnayan nyo" sabi ni Ace

"Maraming Salamat Ace" sagot ni Kate na may mga luha pa sa kanyang mga mata

Hinawakan ni Ace ang pisngi nya at pinunasan ng daliri nya ang luha ni Kate habang nakatitig sa kanya si Kate

Nakangiting sinabi ni Ace na

"Maraming nagmamahal sayo, At isa na ako sa mga taong iyon" sabi ni Ace

Napaatras si Kate at sinabing

"Anong ibig mong sabihin Ace?" Tanong ni Kate

"Ang totoo nyan, Simula ng nakilala kita don sa Basketball Association, Hinangaan na kita, Kate ang totoo nyan mahal kita" sagot ni Ace at nanlaki ang mga mata ni Kate sa narinig nya

"Hindi, hindi pwede" sagot ni Kate

"Bakit? Gusto ko lang nman na iparamdam sayo na hindi ka nag iisa, na kahit na hindi buo ang pamilya mo pwede ka parin maging masaya" sagot ni Ace

"Hindi mo naiintindihan, Hindi talaga pwede" sagot ni Kate aalis na sana sya nang

"Bakit? May gusto ka ba kay hako?" Tanong ni Ace

Suramu Danku: Next Generation 1حيث تعيش القصص. اكتشف الآن