Chapter 5: Hanamichi Sakuhako Vs Ace Sakuchiro

147 10 3
                                    

Kaharap ngayon ni Akito si Daisuke isa sa kaibigan ng pamilya Hanamichi na nakakaalam ng sekreto ng pamilya nila

"Kaylan nagsimula ang lahat?" Tanong ni Daisuke

"Simula ng nakahawak ako ng bola, lumabas sa utak ko ang mga ala alang diko maintindihan" sagot ni Akito

"Alam na ba toh ng mama at papa mo?" Tanong ni Daisuke

"Matagal na nilang alam, Natuto ako ng basketball dahil sa mga ala alang lumitaw sa utak ko, Ang akala ko noong una sarili kong mga ala ala iyon, pero hindi pala ala ala ng ibang tao na ipinasok sa utak ko" sagot ni Akito

"Naiintindihan kona" sagot ni Daisuke

"Nasa utak ko ang mga ala ala ni Tadahako Inoue, kung paano nila simulan ni MiraJane buoin ang Shohoko Basketball Team, mga tawanan at masasayang kwentuhan, mga naging laban at tagumpay yan ang mga ala alang nakabaon sa utak ko" sabi ni Akito

"Ganun ba? Ibig sabihin ang masasayang ala ala ni Tadahako Inoue ay nasayo, pero ang masamang ala ala nya ay nakay hako?" Tanong ni Daisuke

"Noong una akala ko mga ala ala ko yun, wala akong ibang binabanggit noon at hinahanap kundi si Mirajane, o sabihin na natin na ang akala ko, ako si Tadahako Inoue pero nagising ako sa katotohanan na hindi ko pala sariling ala ala yun, Kaya gumawa ako ng sarili kong imbestigasyon para malaman kung sino ba talaga si Tadahako Inoue, si Mirajane at ang tungkol sa shohoku, nalaman ko ang lahat" sagot ni Akito

"Kung ganun, gawin mo ang tama" sagot ni Daisuke

"Anong ibig mong sabihin?" Tanong ni Akito

"Protektahan mo ang kuya mo" sagot ni Daisuke

"Nagkakamali ka ata sa iniisip mo Kuya Daisuke" sabi ni Akito

Naglakad na sya paalis sumunod nman sa kanya ang dalawang kasama nya na si Milianna at Gildar

"Pagdating ng tamang oras isa sa amin ni Hako ang dapat mawala" sabi ni Akito sa kanyang isipan habang si Daisuke pinapanood silang naglalakad papalayo

7pm ng gabi pagkatapos mag shower ni Kate

"Hay sarap talagang maligo tuwing gabi, kahit malamig ang panahon ramdam mo ang init ng tubig" sabi nya sa kanyang sarili nakabalot lang sya ng mahabang tuwalya

Paglabas nya ng banyo

"Good evening Kate" bati ni Sakuhako habang kumakain ng chitcherya na kalat na sa sahig, nakaupo sa Sofa na malapit sa kama ni Kate katabi nya ang pusang si Melvis na panay kalbot sa sahig

"Wwaaahhhhhhh kwarto kohhhh" sigaw ni Kate at malakas na sinipa si Sakuhako sa mukha deretso sa pader pati si Melvis nadamay

"Ano nanaman bang ginagawa nyo dito? Tatawag na talaga ako ng pulis para ipakulong kayo" sabi ni Kate

"Since di naman natuloy yung training camp, wala kaming pera kaya nandito kami" sagot ni Sakuhako

"Wala nman sakin problema na makikain kayo dito pero ggrahhhh dun kayohh sa labahhhss" at sinipa ni Kate sa tyan talsik si Sakuhako palabas ng kwarto nya, na maraming pasa sa katawan

"Grabe nman ang lalaking toh dina naawa satin diba Melvis" sabi ni Sakuhako

"Meow meow meow meow meow meow" sagot ni Melvis

"Huh? Babae? Kahit saang anggulo tignan lalaki sya, napagkamalan ko lang sigurong babae nong 1on1 namin, okey lang basta makaraos lang tayo sa pagkain hihi" sagot ni Sakuhako

Habang nasa harapan ni Sakuhako ang napakaraming pagkain na halos hindi na nya ngumunguya, nilulunok na lang

"Hay pambihira nman, wala nman talagang problema sakin kung makikain kayo dito, pero maging magalang nman kayo sa privacy ng isang babae, pwede nman kayong kumatok sa pinto, sinira nyo pa ang bintana ng kwarto ko" sabi ni Kate

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now