Chapter 16: Ang Tatlong Araw Na Training Ni Sakuhako Kay Sakuragi

134 10 2
                                    

4pm ng hapon ng makauwi si Sakuragi

"Nandito na ako" na kakapasok palang sa pinto ng bahay nila

"Papahh" at nagsitakbuhan ang malilit na mga anak ni Sakuragi na sina Sakura 8, Lucy 6, Lilia 4 niyakap nila ang kanilang ama

Binuhat ni Sakuragi si Lilia

Pito ang anak ni Sakuragi, pampito yung nasa tyan ni Haruko

Si Sakuhako at Akito 15 years old kambal, limang taon ang agwat ng edad nila sa sumunod sa kanila na si Haruka 10 years old, si Sakura 8 years old, si Lucy ay 6 years old at si Lilia 4 years old kakabirthday lang noong nakaraang linggo at mayron pang isa nasa tyan pa ni Haruko, mag iisang buwan na syang buntis

Lumabas si Haruko

"Sakuragi-kun" salubong ni Haruko

"Haruko" sagot ni Sakuragi

"Nasaan na sya? Kasama mo na ba sya?" Tanong ni Haruko

"Nasa labas sya" sagot ni Sakuragi

"Hakoh" at nagmadaling lumabas si Haruko

Samantala sa labas ng bahay nila, nahihiyang pumasok si Sakuhako iniisip nya na baka

"Limang taon narin halos wala masyadong naalala dito sa Kanagawa, hetong bahay medyo malabo na diko naaalala masyado, Shaka sigurado akong hindi na ako natatandaan ng mga kapatid ko, kung sabagay maliliit pa sila ng umalis ako, lalo na si Sakura na baby palang nong umalis ako" sabi ni Sakuhako sa kanyang sarili palingon lingon sya sa paligid nang biglang

"Hakohh"

Lumingon si Sakuhako sa likuran nya sa pinto ng bahay nila

"Ahhh ma-mama" nanlaking mga mata ni Sakuhako

"Uhhhhh uhhh" na unti unting may namuong luha sa mga mata ni Haruko, lalapitan nya sana ang anak nya pero biglang

"Wag po kayong lumapit sakin" sabi ni Sakuhako

"Huh" napatigil na si Haruko

"Wala akong karapatan na bumalik pa dito, nagalit ako sa inyo at umalis ako ng walang paalam" sagot ni Sakuhako

Ngunit niyakap parin sya ng kanyang ina

"Welcome Back mahal kong anak" sabi ni Haruko

"Hahh mamah, Patawad po" sagot ni Sakuhako

"Ayos lang yan, kami nga dapat na humingi ng tawad sayo dahil hindi namin inintindi ang nararamdaman mo, Dahil nandito kana babawi kami sayo" sagot ni Haruko

Lumabas si Sakuragi kasama ang mga kapatid ni Sakuhako dahil hindi nila kilala ay nagtago sila sa likod ng kanilang ama

"Haruka, Sakura halikayo, bumalik na ang kuya nyo" sabi ni Haruko

"Sino po ba sya? Kamukha nya si Kuya pero hindi sya si Kuya, hindi nman kulay itim ang buhok ni Kuya" tanong ni Lucy

"Oo nga, sino ba sya?" Tanong ni Sakura

Maging si Haruka ay hindi rin natatandaan si Sakuhako

"Sya ang Kuya Hako nyo, halikayo" sagot ni Haruko

"Ayoko! Hindi ko sya kilala, bakit nagpapanggap sya na si Kuya Akito? Hindi sya kuya ko" sagot ni Lucy

Kinalungkot ni Sakuhako ang mga narinig nya sa mga kapatid nya pero si Haruka

"Palagi kang kinukwento samin ni mama, ikaw pala yung nawawala naming kuya" sabi ni Haruka

"Naiintindihan ko kung hindi nyo ko natatandaan, kasi umalis ako non, limang taong gulang ka palang, si Sakura tatlong taon, at si Lucy baby palang sya non" sagot ni Sakuhako

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now