Chapter 73: Kate Vs Althena, Ang Mala Kaede Rukawa Female Version na si Kate

123 11 2
                                    

Dumating si Haruko, Kasama si Haruka at Sakura para manood ng practice game ng Shohoku at dahil nagmamadali na si Sakuhako

Kinuha nya ang cellphone nya

"Aalis na ako" sabi nya

Nagbibihis si Kate sa Female Locker room kasama mga kapwa nya junior players ng tignan nya ang message ni Sakuhako hindi sya nagreply kundi binasa lang nya

"Hindi mo nman kailangan gawin yan hay" sabi ni Kate sa kanyang isipan

Ngunit sa puso nya isang malaking bagay na nalaman nyang ginagawa ni Sakuhako ang lahat para sa kanya

Pagkatapos non, pinunta na sya sa mga kapwa nya junior players

Nagpupulong na sila para sa laban nila sa High School Players

Sa pangunguna ni Kate pumili sya ng apat na makakasama nya

Isa si Miu sa pinili nya subalit tila ayaw makipagtulungan ni Miu

"Kung ayaw mo, papalitan na lang kita, Koshina ikaw na pumalit kay Miu" sabi ni Kate

"Ano? Ggrahh sige na ako na, Nandyan pa nman si Tita Haruko nakakahiya kung hindi ako maglalaro" sabi ni Miu

"Good" sagot ni Kate

Samantala si Haruko naman kasama ang dalawang babaeng kapatid ni Sakuhako at Akito na si Haruka at Sakura nakaupo sila sa bench

"Kaylangan kong umalis ma" sabi ni Sakuhako

"San ka pupunta?" Tanong ni Haruko

"Ahhh ano, Ahh uuwi ako ng maaga bye" na nagmadali na lumabas ng gym si Sakuhako

"Wag kang masyadong magpapagabi ahh" sagot ni Haruko

Dahil First Time nilang pumunta sa Shohoku Gym House pinakilala ni Zoey sila sa mga studyante at alaga nila

Pero si Hiro ay bigla na lang nagtago dahil sa

"Hoy hiro halika nga dito" tawag ni Zoey

Lumabas si Hiro na namumula ang pisngi

"Heto po si Hiro tita Haruko isa sa mga inaalagaan namin dito" pagpapakilala ni Zoey

"Hhhmmm ilang taon kana Hiro?" Tanong ni Haruko

"Sampung taon po" sagot ni Hiro

"Ahhh magkaedad lang pala kayo ni Haruka" sagot ni Haruko

"Hello Hiro-kun" ngiting sabi ni Haruka

"Guuhhhmm" namulang halos umusok na ang mukha ni Hiro
biglang syang tumakbo ng mabilis nagtago na subrang nahihiya

"Talagang batang yun bastos, pagpasensyahan nyo na sya Tita Haruko" sabi ni Zoey

"Ayos lang" sagot ni Haruko habang si Haruka ay nagtataka kung bakit tumakbo si Hiro

Habang si Hiro

"Sya? Isa sya sa kapatid ni Kuya Hako at Kuya Akito? Ang cute cute nyahh Hetoh ba yung tinatawag na First Crush?" Sabi ni Hiro sa kanyang sarili

Sumilip sya ulit para tignan si Haruka

"Ahhhkk" tulalang nanlaki ang mga mata ni Hiro pumunta sya sa pangalawang palapag

Dumating na ang mga maglalaro ang Junior players sa pangunguna ni Kate

At ang limang high school players
Sa gitna ng court

"Humanda ka ngayon Kate, ipapahiya kita ngayon sa harapan, Ahh Teka nasan si Hako" palingon lingon si Althena sa paligid ng gym

"Kung maglalaro ka lang para lang magpasikat sa harapan ni hako, mas mabuting umuwi ka na lang Althena" sagot ni Kate

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now