Chapter 68: Shohoku Junior Players Vs Shohoku High School Players

130 8 2
                                    

3pm ng hapon, maghapon nakatunganga si Sakuhako sa loob ng kwarto ni Hisaka Koamoto, nakaupo sya sa sahig

Habang si Hisaka ay tulog, binabantayan ni Sakuhako

"Hanggang kailan nman kaya sya matutulog? Ggrahhh 3pm na may practice pa kami" sabi ni Sakuhako sa kanyang sarili

"Hhhmmm" na unti unting nagising na si Hisaka at nang buksan nya ang mga mata nya

"Anong oras na?" Tanong ni Hisaka

"Ahh 3pm kamusta tulog mo?" Tanong ni Sakuhako

Bumangon si Hisaka

"Hhmm ayos lang, Tuwing hapon natutulog talaga ako, Maganda kasi sa katawan kapag kumpleto ang tulog mo" sagot ni Hisaka

Habang si Sakuhako

"Hehe katamaran ang ginagawa mo" sabi nya sa kanyang isipan

"Kailangan ko nang umalis" sabi ni Sakuhako tumayo sya nang biglang

"Hoy Aso, hindi pa kita pinapaalis" sabi ni Hisaka

"Talaga bang yan ang itatawag mo sakin? Tinanggap ko ang trabahong inaalok mo, Pero hindi ko sinabi na pati pagkatao ko ay apakan mo" sagot ni Sakuhako

"Anong pagkakaiba mo sa mga binayaran ko? Kaya nga kita babayaran, At gusto mo pang dagdagan, Ang totoo nyan mas malala kapa kaysa sa iba" sagot ni Hisaka

"May dahilan ako kung bakit kaylangan ko ng maraming pera hindi para sa sarili ko, Alam mo hindi lahat nabibili ng pera, Katulad na lang ng ginagawa ko ngayon, Dahil sa pagmamahal ko sa kaibigan ko kaya ginagawa ko toh para iligtas sya" sagot ni Sakuhako

"Pagmamahal? Sa tingin mo ba hindi mabibili ang pagmamahal, Isa yang kalokohan" sagot ni Hisaka

"Mukhang naiintindihan kona, Aalis na ako kapag naintindihan mona ang sinasabi ko tawagan mo ko, kung hindi kita masagot pwede kang pumunta kung nasan ako" sabi ni Sakuhako lumabas na sya ng kwarto

"Hoy Aso san ka pupuntah, Bumalik kahh ditoh. Hoy!" sigaw ni Hisaka ngunit derederetso lang si Sakuhako papaalis, pababa na sya ng hagdanan

"Kayo na bahala sa amo nyo" sabi ni Sakuhako sa mga kasambahay ni Hisaka

Nang makalabas na si Sakuhako sa bahay ni Hisaka

"Anong klase syang tao? Hindi ko alam kung paano sya pinalaki ng magulang nya, Umiikot ang mundo nya sa pera, Kakainis!" Sabi nya sa kanyang isipan

Habang si Hisaka na nasa kwarto nya naalala nya ang sinabi sa kanya ni Sakuhako

"Kagaya na lang ng ginagawa ko ngayon, dahil sa pagmamahal ko sa kaibigan ko kaya ginagawa ko to at yan ang hindi mabibili ng pera" sabi ni Sakuhako

"Pagmamahal na hindi mabibili ng pera? Ggrhhh Haahhhhhh" na nag wala na si Hisaka sa kama nya

"Lahat ng kinuha ko, lahat may kapalit na pera kaya isang kalokohan sinasabi mo" sabi ni Hisaka sa kanyang isipan

Pinalaki si Hisaka ng kanyang mga magulang na ang pinakamakapangyarihang bagay dito sa mundo ay pera

Nang mamatay ang kanyang ina dahil sa pagbubugbug ng kanyang tatay, Mas lalong naging meserable si Hisaka, Mas gusto nyang mapag isa at kapag mayron syang kailangan binibili nya, Kagaya na lang ng kaibigan na binabayaran nya, meron din syang inupaan na magpapanggap na boyfriend nya para ipakilala sa mga kaibigan ng mayayamang angkan ng kanilang pamilya

Lahat puro suhol at abot ng pera ang ginagawa ni Hisaka, kaya ngayon na sinabihan sya ni Sakuhako na hindi lahat nabibili ng pera, pakiramdam nya isa yung malaking insulto sa kanya, Dinurog ni Sakuhako ang pride nya

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now