Chapter 27: Mga Bagong Kasama Ni Sakuhako Na Sina Miu at Otano

103 10 2
                                    

Matapos ang isang buwang puro Basics ni Sakuhako na may tela sa mga mata

Sa gym 10am dumating si Sakutou

"At san ka nanamn gumala ah manyak? Nakikita mo ba toh? Hindi paba sapat toh para turuan mo ko ng shooting" tanong ni Sakuhako

"Mukhang nagawa mo nga, Sige ang susunod nman ay depensa, tuturuan kita kung paano dumepensa na kahit na sino pa kaharap mo kaya mo silang pigilan" sagot ni Sakutou

"Gggrahhmm Marunong na ako dumepensahh" malapit ng sumabog sa inis na si Sakuhako

"Ganun ba? Ayaw mong turuan kita ng depensa? Depensang nagpataob sa tatay mo" sagot ni Sakutou

"Ano? Depensang nakatalo kay papa?" Medyo nabigla na si Sakuhako

"Oo, alam mo bang nong nagkaharap kami, para syang bata nagmukha syang baguhan, kaya hako anong tingin mo? Gusto mo bang matutunan?" Tanong ni Sakutou

Naging seryoso ang mukha ni Sakuhako

"Ituro nyo sakin ang lahat, pangako hindi na ako magrereklamo" sagot ni Sakuhako

"Bago muna yan, meron kang kasabay sa training mo at tutulong din sayo, Halika na" sabi ni Sakutou

"Huh? Sino?" Tanong ni Sakuhako

Isang babae at lalaki ang pumasok sa gym

"Huh? Sino sila?" Tanong ni Sakuhako

"Bukod sayo tinuturuan ko rin sila ng basketball, magpakilala kayo" sabi ni Sakutou

"Ako si Miu Nakano masaya akong makilala ka" sabi ng babae

"Gehh masaya? Ehh mukha ka ngang namatayan ehh" sagot ni Sakuhako

Miu Nakano 15 years old isang seryosong babae na kahit na isang beses wala pang nagpangiti sa kanya, Bata palang si Miu ay ulila na sa magulang nang makita sya ni Sakutou kinupkup nya sya at pinatira sa kapatid nyang si Sakumi, hilig din ni Miu ang basketball dahil ang yumaong tatay nya ay isang basketball player na dating nakasama ni Sakutou sa Alvarez Troops noon

"Ako si Otano Shinobu at hindi ako interesadong makipagkilala sa mukhang unggoy" sabi nman ng lalaki

Otano Shinobu 15 years old, Si Otano ay pamangkin din ni Sakutou, anak sya ng pinsan ni Sakutou at Sakuragi na si Osaku, hindi pula ang buhok ni Otano pero ang ugali nya ay malala pa kaysa kay Sakuhako, maingay at hambog

"Anong sinabi mo? Hoy manyak sino ba tong mukhang matshing na toh ahh bakit mo sila dinala dito?" Tanong ni Sakuhako

"Ikaw ang matshing" sagot ni Otano

"Gggrahhhhhh" na may kuryenteng lumalabas sa mga mata nila

"Tumigil na kayo, Sabi kona nga ba mangyayari toh, makinig kayo, hako, Otano simula ngayon magkasama na kayong mag tratraining pati narin si Miu

"Ggrahhhhhh" galit na galit ang dalawa na magkatitigan habang si Miu walang pakialam tahimik lang at seryoso ang mukha

"Tama na yan, ngayon simulan na practice" saway ni Sakutou

"Tsu! Ayos lang nman sakin na may kasabay sa pag practice basta wag lang silang sasagabal sakin" sabi ni Sakuhako

"Para sakin hindi ayos yan, mas gusto kong ako lang ang turuan mo ng basketball" sabi ni Otano kay Sakutou

"Anong sinabi mohh ggrahhh makasarili kah" sabi ni Sakuhako

"Tumahimik ka dahil sigurado nman na wala kang pa- huh?" Napatigil sa pagsasalita si Otano nang makita ang bracelet na suot ni Sakuhako

"Ikaw" sabi ni Otano

"Ohh ano? Tsu hoy manyak turuan mona ako ngayon ng depensang sinasabi mo" sabi ni Sakuhako

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now