Chapter 22: Ang Pagkikita Ni Sakuhako at Zoey, Ang Mission ni Sakuhako

95 7 2
                                    

SA Kanagawa patuloy na inaaway ni Haruko si Sakuragi dahil sa naging desisyon nito kahapon kung saan nakapasa ang lahat maliban lang kay Sakuhako

May pagkakataon na hindi pinapansin ni Haruko, at kapag mainit ang ulo pinapalayas sa kwarto nila, dahil 1 buwan buntis kaya alam ni Sakuragi na sa panahon na ganito mainit ang ulo ni Haruko

Samantala sa Tokyo 7am ng umaga

"Yun pala naging desisyon ni Kuya Sakuragi, Kung ako tatanungin tama lang ang ginawa nya" sabi ni Shino

"Ano? Pati ba nman ikaw Kuya Shino" sabi ni Sakuhako

"Shino Grrhhmmm" saway ni Inami sa kapatid nya

"Isipin mo kasi toh hako, lahat ng mga naging national player dumaan muna sa matinding pagsasanay, kung tutuusin sa antas ng kakayahan ninyo pati narin ang mga kasamahan mo, hindi pa sila karapat dapat na maglaro sa labas ng bansang ito, Noon kaylangan mo munang talunin ang mga magagaling na basketball player dito sa ating bansa at kapag nagawa mo yun kukunin ka ng national team at isasabak sa ibang bansa, Experience ang unang kailangan bago sumabak sa pangalawang baitang" sagot ni Shino

"Mayron bang mas magaling samin na hindi studyante ng basketball association?" Tanong ni Sakuhako

"Siguradong meron, kasi ako, si Kuya Sakuragi, si Kuya Rukawa, si Kuya Kenzo at iba pa hindi sila nag aral sa basketball association, sumali sila sa isang club at don na natuto ng basketball, Maraming player na mas magaling pa kaysa sa National Team" sagot ni Shino

Doon naalala ni Sakuhako ang kakambal nya na si Akito

"Shaka yung mga kasama mo na nakapasa hindi ka nman nakakasigurong makakapaglaro sila baka nga ang karamihan sa kanila bench warmer lang, tama ba lolo?" Tanong ni Shino isang matanda na nasa otsyenta na ang edad ang dumating

"Lolo" sabi ni Inami habang napalingon sa kanya si Sakuhako

"Tama ang sinabi mo Shino, kaya nga ako noong ako pa ang Coach ng Team Takashita hindi ako kumukuha ng mga players na galing sa Basketball Association, pumunta ako sa ibat ibang distrito para maghanap ng magagaling na basketball player, at isa nga sa nahanap ko noon ay ang iyong ama" sabi ni Coach Tesuya

Si Caoch Tesuya dahil sa katandaan matagal na syang nag retiro ngunit malakas parin sya, sa katunayan paminsan minsan dumadalaw sya sa gym ng Takashita National Team

"Si papa?" Tanong ni Sakuhako

"Hindi lang ang papa mo, si Kenzo, si Ichiro at iba pa lahat sila nadiskubre ko sa ibat ibang distrito, Bata kung talagang gusto mong matuto ng basketball hindi importante kung may licensya ka o wala, madali na lang yan makukuha kapag nakita nila kung gaano ka kagaling, sipagin mo lang sa pagpapractice yan ang susi para maging magaling na basketball player" payo ni Coach Tesuya napangiti nman si Inami

"Pero kahit na anong practice ko baliwala parin, kung walang magtuturo sakin, Kahit na nagalit ako kay papa, Tama nman ang sinabi nya hindi pa ako marunong mag shot, o kahit na anong basketball techniques shaka hindi ko maintindihan bakit walang nagtuturo sakin? Kuya Shino kaylan nyo ba ako tuturuan? Matagal na ako nakikiusap sa inyo" sabi ni Sakuhako

"Huh? Kaylangan ka nman nakiusap sakin?" Tanong ni Shino

"Napapatawa po ba kayo? Ilang taon na akong pabalik balik dito at nakikiusap sa inyo pero ayaw nyo" napasigaw sa kabwisitan na si Sakuhako

"Ganun ba?" Na tamang iwas ng tingin si Shino nagpapanggap na walang alam

"Tsuhh! Di bali na nga lang, Tanda sa natatandaan ko kayo nagtraining kay papa dipo ba?" Tanong ni Sakuhako

"Wag mo akong tawaging tanda, Sa totoo lang wala akong masyadong naitulong sa kanya, Dahil sarili nya mismo ang nagturo sa kanya" sagot ni Caoch Tesuya

"Huh? Anong ibig nyong sabihin?" Tanong ni Sakuhako nagsalita si Inami

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon