Chapter 51: Inspiration, Ang Paglabas ng Kanilang Galing Dahil Kay Sakuhako

88 12 3
                                    

Nang nasa bingit na ng pagkatalo ang mga Shohoku Female Team dumating si Sakuhako para palakasin ang loob nila

Hawak ni Zairyl ang bola, lumakas ang loob nya sa pagchecheer ni Sakuhako

"Nanonood ngayon ang lalaking gusto ko, hindi ako dapat ako magkamali" sabi ni Zairyl ang Shooting Guard ng Team

Itinaas ni Zairyl ang bola

At tinaas ng kalaban nyang shooting guard ng Ryonan na si Kairah ang kamay nya

Nang biglang umatras si Zairyl

"What" nagulat na si Yumi ang Shooting Guard ng Team Ryonan

At mabilis na itinira ni Zairyl ang bola pero tumalon parin si Yumi at nahawakan ang bola

"Ahhhhh" gulat na si Zairyl

Tumayo si Kate

"Magmadali kayo kunin nyo ang rebound" sigaw ni Kate na nasa bench ng Shohoku kasama sina Zoey at Sakuhako

Subalit biglang nangibabaw ang Sentro ng Ryonan na si Amiya na kilos lalaki kung maglaro

Isang lesbian kasi si Amiya kaya maangas ang paglalaro nya, wala syang pakialam kung anong mangyari sa mga kalaban nila

At agad nyang nirebound ang bola ng walang kahirap hirap, hindi makaporma si Akia ang Sentro ng shohoku at si Milliana ang Power Forward ng Team

Mas malaki at mas matangkad kasi si Amiya kaysa kay Akia ang centro ng shohoku

Pagkarebound ni Amiya agad na ipinasa kay Serena ang Ace Player nila at mabilis na nagleyap, hindi nakakapalag sa kanya si Althena

Sa bench ng shohoku

"Hindi nila makuha ang rebound, masyadong malakas kung maglaro ang #7 na yun" sabi ni Kate

Tumayo si Sakuhako

"Kaya nyo yan, Zairyl, Akia, Althena, Aimi, Millianah" sigaw ni Sakuhako

Nang biglang tumayo si Zoey

"Guh?" Na napalingon sa kanya si Sakuhako

"Zoey" sabi ni Kate

"Wala na tayong magagawa, Mapipilitan na akong pumasok" sabi ni Zoey

Doon naalala ni Kate na isa rin palang basketball player si Zoey at dating MVP noong junior high

"Ano bang sinasabi mo Zoey?" Tanong ni Sakuhako

Nang biglang binuksan ni Zoey ang zipper ng jacket nya at nakita nila ang SHOHOKO #10 jersey

"Zoeyy" sabi ni Sakuhako

"Sigurado kaba talaga? Papasok kah?" Tanong ni Kate

"Alam kong nagsisikap ngayon si Saku sa training nya, Ayokong malaman nya na natalo tayo sa unang game" sagot ni Zoey at kinuha ang pangtali sa buhok

"Sige" sabi ni Kate pumunta sya sa community para sabihin na papalit sila ng player

"Ako sa ilalim, Liana maupo kana muna" sabi ni Zoey

"Zoey talaga bang haharapin mo ang balyena na yun? Wag nah baka masaktan kapa magalit pa samin ni Akito" sabi ni Sakuhako

"Hako, Kung lalaki ako sigurado akong mas magaling pa ako kaysa sayo" sagot ni Zoey

"Nagmayabang pa" bulong ni Sakuhako

Inilagay nya sa ilalim ng short nya ang dulo ng jersey nya, upang kapag tatalon sya hindi sya masisilipan, maliit lang kasi katawan ni Zoey kaya nag aalala si Sakuhako

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now