Chapter 7: Ang Pagdating ni Rukawa, Ang Pagkikita ng Mag Ama

121 6 1
                                    

Kinabukasan, sasama ang Team ni Sakuhako sa jogging ng Takashita ang National College Team ng Japan

"Mayron na akong naisip na pangalan sa Team natin" sabi ni Sakuhako

"Hay nako siguradong kalokohan nanaman yan" sabi ni Lyion

"Anong sabi mo" at nag untugan ng noo ang dalawa

"Ggrahhhh" parang ungul ng aso ang dalawa at nagsuntukan na sila

"Tama na yan, sana nandito si Kate para may umawat sa kanila" sabi ni Renz pinasan ni Kate

Dumating si Shino kasama ang Team Takashita at pinaghiwalay ang dalawa

"Kayong dalawa, Basketball ang sports nyo hindi boxing" saway ni Shino

"Hay" bugtong hininga ni Renz

Samantala ang Team A o Team shohoku sa pangunguna ni Ace Sakuchiro sa gym ng Shintai nagsimula narin sila sumali sa practice game ng Team Shintai

Si Kate mag isa sa kabilang court nag pa practice ng long shot

10am ng umaga

"Shohoku Assembly" tawag ni Kate

"Huh? Anong sinasabi nya?" Tanong ni Kioko

"Sumunod ka na lang" sagot ni Ace

Napalingon pa si Sora nang marinig nya ang salitang shohoku

Lumapit kay Kate ang apat nyang kasamahan

"Shohoku" sabi ni Sora dumating si Kumi

"Tama, Shohoku ang pangalan ng Team nila, nakakatuwa diba" sabi ni Kumi

"Kumi, sino ba ang batang yan?" Tanong ni Sora

"Anak sya ni Jasmin" sagot ni Kumi

"Ano? Si Jasmin?" Tanong ni Sora

"Kinuwento nya sakin, na kaya sya sumali sa training school para makilala ang papa nya, Sinabi din nya sakin na balak nyang itayo muli ang shohoko sa Kanagawa kaya ganyan ang pagsisikap nya para makuha ang basketball license, pagkatapos kukuha din sya ng coach license, Grabe ang tapang nyang babae, tignan mo sumusunod sa kanya sina Ace, may pagkakapareho sya sa kanyang ina" sagot ni Kumi

"Itatayo nya muli ang shohoko?" Na medyo nabigla si Sora

"Tama, Ang Shohoko kung saan tayo nagkakilala" sagot ni Kumi

"Ang Shohoku kung saan nagkaroon ako ng mga kaibigan, Ang shohoko kung saan nagbago ako at nahanap ko ang sarili ko, Ang Shohoko kung saan naramdaman ko na isa akong tunay na basketball player" sabi ni Sora

"Hhhmmm" tango ni Kumi

"Sa tingin ko mas maganda siguro kung maging parte din si Ace ng bagong shohoku, Pero ikaw parin magdedesisyon sa bagay na yan mahal ko" sagot ni Kumi

Habang kausap ni Kate ang apat nyang kasamahan

"Maginig kayo sa tatlong grupo na makakaharap natin, Ang Grupo ni Lyion ang masasabi ko na pinakamalakas" sabi ni Kate

"Anong basehan mo? Ibig sabihin mas nakakalamang sila kaysa satin?" Tanong ni Kioko

"Hindi, Dahil mayron din kahinaan ang grupo ni Lyion, actually lahat meron kahinaan, Kung sa grupo natin ako ang kahinaan dahil babae ako, sa Grupo nman ni Lyion ay si Hako dahil bago palang sya, sa Groupo nman ni  Kimoto, ay si Yusui dahil sa kakulangan ng stamina nya, at sa Grupo ni Kenzato ay si Hanomo

Kung napapansin nyo, meron kahinaan ang bawat grupo sinadya nila iyon, pinantay pantay para maging patas ang laban

Kaya nasabi ko na ang mas malakas na team ay team ni Lyion dahil kay Kuya Renz

Suramu Danku: Next Generation 1Onde as histórias ganham vida. Descobre agora