Chapter 54: Ang Pagtatapat Ni Sakuhako at Aisha sa Isat Isa

104 12 4
                                    

Dalawang minuto na lang ang natitirang oras at malaki parin ang lamang ng Ryonan subalit dahil sa matinding mag che-cheer ni Sakuhako ay unti unting lumiit ang lamang ng Ryonan na syang kinabahala ng Coach ng Ryonan

Si Althena kaharap nya ngayon ang Ace Player na si Serena, dahil sa pinangangambahan ni Coach Yanaka ang unti unting paghabol ng shohoku, tinakot nya si Serena na sa oras na natalo sila tatanggaling sya sa Team, kaya naging aggresibo si Serena sa mga sumunod na minuto

Subalit hindi parin magpapatalo si Althena, Dati na silang nagharap noong Junior high at natalo si Serena

Idagdag mopa ang pambihirang galing ni Zoey bilang isang Forward at rebounder

Ang stilo ng paglalaro ni Zoey ay maihahalintulad kay Sakuragi marahil dahil apo sa talampakan ni Kazekuya Amano si Zoey, at guro nman ni Sakuragi si Amano

Ngunit kahit na ganun limitado parin ang galaw ni Zoey hindi nya kayang idakdak ang bola, kahit na mataas syang tumalon, isang taon narin sya tumigil sa paglalaro ng basketball kaya medyo mahihirapan din syang ibalik ang dating bangis nya at galawang lalaki paglalaro ng Basketball

Sa bench ng Shohoku sumisigaw si Sakuhako ng

"Depensa! Depensa! Depensa!" Sigaw nya ngunit nang matanto nyang sya lang pala ang sumisigaw

"Ggrahhh hoy kayo bakit hindi kayo nag che-cheer dyan ahhh pag uuntugin ko kayo" sigaw ni Sakuhako kila Lyion, Renz, Otano, Louki, Gildar na nanonood sa taas, kasama si Haruko

"Makinig kayo boys, kaylangan natin silang i-cheer para mahabol nila ang score ng kalaban nila, hay naaalala ko tuloy noong panahon na sinusuportahan ko ang shohoku" sabi ni Haruko

"Huh? Bakit Tita naging supporters kayo ng shohoku?" Tanong ni Lyion

"Ano kaba? Asawa kaya nya ang dating player ng shohoku" sabi nman ni Louki

"Hhhmmm tama kayo, yung unang shohoku, Lagi akong sumisigaw para i-cheer sila, pagkatapos non nong mag 2nd year high school ako naging manager ako ng shohoku, then" sabi ni Haruko

"Naging manager din pala kayo nong unang shohoku" sabi ni Lyion

"Ang galing nman" sabi ni Renz

"Pero hindi rin nman nagtagal yun, kasi 18 ako pinanganak ko si Hako at si Akito, Maraming nangyari noong panahon na iyon, marami kaming naging problema ni Sakuragi-kun, Pero masasabi kong ang mga pagsubok na yon ang nagpatibay sa amin, kaya masayang masaya ako na pinanganak ko si Hako at Akito kasi kung hindi dahil sa kanila baka hindi namin kasama ngayon si Sakuragi-kun" sagot ni Haruko

Kahit na walang naiintindihan sina Lyion, Nakikita nila na ang Hanamichi Family ay isang perpektong pamilya, masayang pamilya

"Na-ikwento nga po sakin ni Ate Ayako na sa batch nyo kayo ni Tito Sakuragi ang unang nagpakasal" sabi ni Lyion

"Hhhmmm suportahan natin ang shohoku" sabi ni Haruko

"Kaya nyo yan SHOHOKU" sigaw ni Haruko at nakisabay narin sina Lyion, Renz, Louki, Gildar, Otano

"Kaya mo yan Zoey!" Sigaw ni Haruko

Napalingon si Sakuhako sa kanila maging si Kate at Milliana

"Buti pa si mama nag che-cheer" sabi ni Sakuhako

Samantala nang marinig ni Zoey ang pag-checheer sa kanya ni Haruko

"Ahhh ti-tita Haruko, nandito pa pala si Tita Haruko! Lagot ibig sabihin nakita nya paglalaro ko" na kinabahan na si Zoey, girlfriend ni Akito

Dahil dyan nasira tuloy ang depensa ni Zoey kumilos na mahinhin, lumambot ang depensa nya ang resulta ay madaling nakalusot si Amiya sa kanya

Ayaw kasi ni Zoey na makita sya ng kahit na sinong parte ng pamilya ni Akito, kung paano sya maglaro ng basketball, parang lalaki kasi si Zoey kapag maglaro ng basketball

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now