Chapter 55: Hitogami's Aura

81 8 0
                                    

6:30pm ng gabi, nagdesisyon sina Kumi at Sora na dito na muna magpapalipas ng gabi sa bahay nila Sakuragi at Haruko

Habang nasa hapag kainan sila

"Sora-kun pasensya na kung hindi ako masyadong gumagamit ng seasoning kaya hindi masarap" sabi ni Haruko

"Naiintindihan namin, shaka masama nga naman sa kalusugan kapag maraming nilagay na pampalasa" sagot ni Sora

"Tama ka dyan, kaya nga marami akong natutunan ngayon kay Haruko" sabi nman ni Kumi

"Yan kasi ang mga paburito ni Sakuragi-kun ayaw nyang maraming pampalasa sa pagkain" sabi ni Haruko habang si Sakuragi

"Kaya nga wife material ka" sagot ni Sakuragi

"Kumain kana nga lang dyan, nagbola kapa" sagot ni Haruko na namula ang pisngi

"Kinikilig si mama" sabi ni Haruka

"Wwoosstt" saway ni Haruko at nagsitawanan si Kumi, Sora at Sonomi, Sakuna habang si Sakuragi tamang pigil lang kiligin at tinuon ang sarili sa kinakain nya

Tahimik din na kumakain si Sakutobi ang uncle ni Sakuragi, kapatid ng nanay nyang si Sakura

Habang si Akito tahimik na kumakain pero si Sakuhako

"Grahhmm diko alam pero hindi na ako sanay sa mga luto ni mama" sabi ni Sakuhako sa kanyang isipan

Nasanay kasi sya sa mga luto ni Inami, luto ni Sakuna at minsan luto ni Aisha

Napalingon ng mata si Aisha kay Sakuhako, at pasimpleng napangiti dahil sa hindi nasasarapan sa pagkain nila ngayon

8pm ng gabi tahimik na gumagamit ng kanyang cellphone si Sakuhako habang nakaupo sa sofa sa sala ng bahay nila

Samantala si Sakuragi at Sora nman ay nag iinuman nagkayayaan kahit na tutol si Haruko,

Palusot lang ni Sakuragi na pampatulog lang

Ka-chat ni Sakuhako sa messenger si Althena, humiga si Sakuhako sa sofa

"Buti nman nanalo sila" sabi ni Sakuhako sa kanyang sarili nang dumating si

"Bat di kapa natutulog? Maaga kapa bukas" sabi ni Aisha

"Ate Aisha" napabangon na si Sakuhako sabay tabi ni Aisha sa kanya

"Meron akong sasabihin sayo hako, kasi ayokong magtago ng sekreto sayo" sabi ni Aisha

"Huh? Anong sekreto?" Tanong ni Sakuhako

"Kanina, nakipagkita ako kay Sakutou" sagot ni Aisha

"Ahhh Anoh!? Bakit ka nakipagkita sa kanya? Diba kung ano ano ang sinasabi nya tungkol sayo" sabi ni Sakuhako

"Gusto nya akong maging asawa" sagot ni Aisha na kinagulat ni Sakuhako

"Ahh asawa?" Gulat na si Sakuhako

"Ang sabi nya sakin, papayag syang sumali sa Team ni Kuya at mas tutulungan ka nya kapag nakipagdate ako sa kanya" pag amin ni Aisha

"At pumayag ka ganun?" Tanong ni Sakuhako

Di nakasagot si Aisha

"Hindi ka na pwedeng makipagkita sa taong yun, Ako nang bahala sa kanya" sabi ni Sakuhako

"Pero paano kung" sabi ni Aisha

"Wag kang mag alala, Hindi nya ata nakikilala kung sino ako, Pwes ipapaalala ko sa kanya, kaya lumayo ka sa kanya" sagot ni Sakuhako nang biglang hinubad ni Sakuhako ang bracelet nya at

"Tanda toh ng pangako, Aisha wala kang ibang pakikinggan, susundun kundi ako lang, Ibibigay ko toh sayo tanda na ako lang ang dapat mong pagsilbihin" sabi ni Sakuhako subalit

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now