Chapter 4: Ang Lihim Tungkol Kay Akito at Sakuhako

125 7 1
                                    

Sa opisina ni Daisuke, bilang Vice Chairman, dahil wala si Sakuragi, sya ang nagpapatupad, nag aasikaso ng mga magaganap na basketball competition sa bansa

Ikinwento ni Daisuke kay Kate kung ano ang nangyari sa shohoku basketball team, sampung taon na nakakalipas at marami syang nalaman lalo na kay

"Walang dapat makaalam nito Kate, lalo na kay Hako" sabi ni Daisuke

"Hindi ako makapaniwala, para mabuhay si Hako kaylangan mawala ang shohoko basketball team" sabi ni Kate

"Alam kong mahirap paniwalaan, darating ang araw na gigising ang pangalawang pagkatao nya, Ang mga masasamang ala ala, Kaya ikaw Kate inuutusan kita na bantayan sya sa lahat ng oras, kapag hinubad nya ang bracelet na suot nya, lalabas ang mga imahe sa isip nya na hindi nya alam, Gusto ni Ate Haruko at Kuya Sakuragi na mabuhay si Hako na isang normal, isang normal na basketball player" sagot ni Daisuke

"Pero bakit ako?" Tanong ni Kate

"Siguro nakatakda toh, gusto ni Ate Haruko at Kuya Sakuragi na magkaroon ng maraming kaibigan si hako at isa ka sa unang kaibigan nya diba? Tungkol nman sa papa mo, Wag kang mag alala, buhay sya" sagot ni Daisuke

"Huh? Kilala nyo ba kung sino sya?" Tanong ni Kate

"Hindi ko sya kilala pero kung sinasabi mo na dating player ng shohoku ang papa mo at naging kabilang sa Legendary Kings, malamang nakasama ko sya, balang araw magpapakita din sya, Tama ang pinili mong tahakin Kate, ituro mo sa kanila ang lahat ng natutunan mo at pagiging mabuting player, At siguradong magpapakita sayo ang papa mo" sagot ni Daisuke

Matapos makausap ni Kate si Daisuke bumalik sya sa gym sa pinto palang sya nadatnan nyang

"Ggrahhhhmm" na lumabas ang ugat sa sintido dahil imbes na practice ang ginagawa ng mga nasa gym kundi isang

"Tama nah tumigil na kayo" saway ni Renz pinsan ni Kate

Nagbabatuhan ng bola ang mga nasa loob dina na ma-control

"Ako ang magiging pinuno ditohh wahhh" at malakas na binato ni Sakuhako ang bola sa mga kasamahan nya

Gumanti rin sila sa subrang gulo, nakakalat sa court ang mga bola habang ang nagtuturo sa kanila bagsak sa sahig lumalabas na sa bibig ang kaluluwa

Ngunit nang maalala ni Kate ang pinag usapan nila ni Daisuke kanina

"Naniniwala si Kuya Sakuragi at Ate Haruko na maliligtas si Hako sa tulong ng mga kaibigan nya at isa kana dun Kate" sabi ni Daisuke

Medyo nawala ang inis ni Kate sa nangyayaring kaguluhan ngayon sa gym

"Hay" bugtong hininga nya

"Ako ang pinaka-magaleeehhhnggg" sabay bato ni Sakuhako ng bola ngunit sinipa iyon ni Lyion deretso papunta sa

"Ahhhh" sigaw ni Kate at malakas na tumama sa mukha nya ang bola

"WwAhhhh" napasigaw sila sa takot kaya tumigil ang kaguluhan

"Ggrahhhh kayong lahaaattt, gggrahhhhh mga gong gohhhhnnggg" sigaw ni Kate

"Ahhhhhhhhhhhh" na binigyan ni Kate ng tig iisang suntok ang lahat pati ang Coach nilang naka assign na mag turo sa kanila nadamay

Maangas na lumabas si Kate sa gym habang bugbug ang mga kasamahan nya

"Halimaw sya" sabi ni Lyion

"Wala talagang ibang makakapigil sa mga magulo na toh kundi si Kate" sabi ni Renz pinsan ni Kate

Ang Male Training School ng Association ay ang pinakamagulong Training School sa Association, 16 ang mga nag aaral ng basketball dito at si Kate lang ang nag iisang babae dito, kapag may kaguluhan sya mismo ang dumidisiplina sa kanila, isang mataray at mabagsik na katangian nyang namana nya sa nanay nyang si Jasmin

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon