Chapter 47: Ang #1 Rookie Ang Matinding Galit Ni Sakuhako

92 12 1
                                    

Habang nasa Laban ng Starting Member ng shohoku

Ang Shohoko Basketball Gym House nman, nasa gym ng Team Shintai kasama ang Coach nilang si Sora at ang tatlong player ng Team Kanagawa na sina Miyagi, Mitsui, Renzuki, kanina pa sila naghihintay kila Sakuragi at Sakutou

Nandito din ang kasalukuyang chairman ng basketball association na si Daisuke bumisita sa kanila kausap nya ngayon si Akito nasa labas sila ng gym

"Mabuti nman at nagbago kana Akito, hindi kana katulad nong dati" sabi ni Daisuke

"Meron dahilan kaya ako sumali sa shohoku pero sa pag mamasid ko hindi nman siguro mangyayari ang nangyari" sagot ni Akito

"Mangyayari ang nangyari? Hindi kita maintindihan" sabi ni Daisuke

"Alam mo nman na nasa utak ko ang mga ala ala ng lolo namin, Ang Coach ng Shohoku, si Kate kamukhang kamukha nya ang unang Coach ng Shohoku si Mirajane pati ang kakayahan nya parehong pareho, Kaya ako sumali sa shohoku" sagot ni Akito

"Mirajane? Ang unang nagtatag at Coach ng Shohoku, paanong nangyari yun na kamukha nya si Kate" sabi ni Daisuke

"Hindi ko alam, kaya nga ako sumali sa shohoku, Nong una akala ko nangyayari ngayon ang mga nangyari na noon, Nagkataon lang ba? O di kaya mangyayari talaga? Tungkol nman kay Hako, mayron din akong nadiskubre tungkol sa kanya pero naguguluhan ako, bakit ko nakita sa kanya ang isa pang alala ni Lolo Inoue na may player syang nakalaban noon, sya ang isa pa naming lolo si Sakurou Hitogami bakit bigla ko na lang syang nakita kay hako, Pero baka nagkamali lang ako kasi kilala si Lolo Sakurou bilang basic master ibig sabihin wala syang basketball technique purong basic plays lang ang paglalaro nya, hindi katulad ni hako na may natututunan nang mga basketball technique kaya baka nagkakamali lang ako" sabi ni Akito

"Alam mo Akito napakabata mo pa para mag isip ng kung ano ano, Ang nakaraan hindi na bumabalik, at lalong hindi na bumabalik ang mga namatay na, Bakit hindi mo alamin kung anong kaugnayan ni Kate sa unang Coach ng shohoku malay mo magkamag anak pala sila kaya magkamukha sila, tungkol nman kay hako hindi ako naniniwala sa sinasabi nila na sya ang pangalawang buhay ng lolo nyong si Sakurou, Si hako ay si Hako, at ikaw ay ikaw, bakit hindi mo na lang ienjoy ang buhay mo, yan lang maipapayo ko sayo" sabi ni Daisuke

"Tungkol sa ala ala ni Lolo Inoue na nilagay sa utak ko, Ang totoo nyan, Unti unti nang nawawala, simula nong naging kami ni Zoey at naging miyembro ako sa shohoku, Hindi pa to alam ni mama" pag amin ni Akito

Samantala sa nagaganap parin na laban

Dahil sa lamang na ang Shohoku sa Miyuradai

"Kaylangan ko nang gumawa ng hakbang, sasamantalahin ko ang kahinaan nila" sabi ng coach ng Miyuradai

"Kahinaan Coach?" Tanong ng isang substitute player ng Miyuradai

"Oo, Una wala silang magaling na Coach, pangalawa, mahina sa rebound ang team nila, at pangatlo Touro mag warm up kana, ipapasok na kita" utos ng Coach ng Miyuradai

"Sige Coach" sagot ni Hajito

"Tourohiko Amimoto 199cm 97kg 3rd year

Position: Center

Samantala napansin ni Kate ang player na si Tourohiko na nagwawarm up na

"Gildar ang mabuti pa mag warmup kana" sabi ni Kate

"Ipapasok mo ko sa laro?" Tanong ni Gildar

"Oo" sagot ni Kate

"Bakit? Lamang na lamang tayo sa kanila" sabi ni Gildar

"Sa ngayon" sagot ni Kate

"Huh? Bakit Coach Kate may problema ba?" Tanong naman ni Zoey

"May naisip na ang Coach ng Miyuradai, Alam ko kung ano yun, ipapasok kita at ilalabas ko sa laro si Hako" sagot ni Kate

Suramu Danku: Next Generation 1Kde žijí příběhy. Začni objevovat