Chapter 60: Ang Pinagmulan Ni Althena at ang Bagong Sakuragi Jr (Akito)

139 12 0
                                    

Sa Basketball Association isang bisita ang dumating kung saan kasalukuyang nagpapractice ang Team Kanagawa sa pangunguna ni Sakuragi at ang Team Shintai College Team

"Bakit ka nandito? Tobirama" sabi ni Sonomi

"Kakarating ko palang ganyan nang mukha sasalubong mo sakin, Ano ba yan parang kriminal nman ako sa mga tingin mong yan" sagot ni Tobirama

"Bakit hindi ba?" Sagot ni Sonomi

"Nagpunta lang nman ako dito para kamustahin ang inaanak ko, since papunta rin nman ako ng kanagawa at alam kong nandito sina Sakuragi kaya dumaan na ako dito" sagot ni Tobirama

"Umalis kana, Alam natin na dati kang miyembro ng Grupo ni Alvarez kaya wag kang masyadong feeling close lalo na kay Kuya" sabi ni Sonomi

"Grabe ka nman, sa natatandaan ko, Ganun karin diba? Ikaw pa nga ang kanang kamay ni Alvarez" sagot ni Tobirama at nanlaki ang mga mata ni Sonomi naalala nya tuloy noong panahon na isa syang 16 year old na babaeng sunod sunuran noon kay Alvarez

"Umalis kanahh" na nagsimula ng maubo ang galit ni Sonomi sa mukha nya

"Naiintindihan ko kung bakit galit na galit ka parin, At kung bakit hindi mo kinuhang studyante mo si Althena, dahil apo sya ni Alvarez, ngunit walang kinalaman o alam ang bata kaya hindi dapat sya madamay sa galit mo samin, At isa pa matagal ng natapos ang panahon ni Alvarez" sagot ni Tobirama

"Kung ganun bakit mo kinupkup yung nag iisang kadugo nya sagutin mo nga Tobirama" sabi ni Sonomi

"Dahil natuto ako na pahalagahan ang buhay, at si Althena ang napabago non, Hindi ko maintindihan kong si Sakutou ay natanggap mona na dati ding sunod sunuran kay Alvarez bakit sa isang kagaya namin ay galit na galit ka parin, dahil ba sa pinsan nya si Sakuragi?" Tanong ni Tobirama

"Galit na galit parin ako kay Sakutou, kung intensyon ko parin ang maghiganti baka napatay kona ang batang iyon, umalis kana ayokong makita ang pagmumukha mo" sagot ni Sonomi na ang tinutukoy nya ay si Althena na nagiisang na lang na kadugo ni Alvarez, apo pala ni Alvarez

Di nagustuhan ni Tobirama ang narinig nya

"Naiintindihan ko na galit na galit ka kay Alvarez, ngunit tungkol sa sinabi mo kay Althena hindi nman ata tama yan, Subukan mo lang kahit na kapatid kapa ni Sakuragi, Heto tatandaan mo Sonomi, Kahit na kadugo ni Alvarez si Althena, Ibang iba sya kay Alvarez, Mabait syang bata kabaliktaran ni Alvarez" sabi ni Tobirama

Samantala sa nagaganap parin na laro ng Shohoku at Takezato

Sa taas kung saan nanonood si Sakuhako kasama sina Althena

Nakita ni Althena na umalis si Irene dahil sa hindi nahanap nito ang taong hinahanap nya ang #11 ng Shohoku

"Hindi nman sya kilala ni hako, ano kayang kaylangan nya kay hako?" Tanong ni Althena sa kanyang isipan

"Abahh tignan nyo mukhang seseryosohin na ni Akito pakikipaglaro sa #13 ng Takezato" sabi ni Eishin

Lumingon si Althena sa mga naglalaro sa baba

"Ano kayang ginagawa nya?" Tanong ni Kenta

"Obvious ba? Edi dribble" sagot ni Genji

"Gong gong alam namin yun, tignan mo ginagawa nya" sagot ni Eishin

"Yan ang Change Of Pace" sabi ni Althena, napalingon sa kanya si Sakuhako na nasa harapan lang nila nakaupo

"Change Of Pace?" Tanong ni Genji

"Ang pag dribble ng bola ng bilis at pagbagal, Ginagamit ang Change Of Pace para malusutan ang nagbabantay sayo" paliwanag ni Althena

"AhhhHHHHH" na walang alam na sina Kenta, Eishin Genji

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now