Chapter 44:Ang Pagdating Ni Sora at Kumi At Ang Elimination Games

106 12 6
                                    

2:55pm ng hapon sa isang restaurant

"Late ka" sabi ni Sakutou

"Kanina ka paba naghihintay?" Tanong ni Aisha

"Mga 15 minutes" sagot ni Sakutou

"Liliwanagan na kita ngayon palang, Hindi alam ni Ate o ni Kuya na nagkikita tayo, ayokong malaman nila" sabi ni Aisha

"Kabayaran ba to sa pagsali ko sa Team ni Sakuragi at sa pagtulong ko kay Hako?" Tanong ni Sakutou

"Isipin mo na lang na ganun"sabay upo ni Aisha

"Bakit kaylangan mo pang ilihim kay Sakuragi at sa Ate mo nagkikita tayo? Ehh ano nman kung malaman nila? Hindi kana bata para intindihin pa nila meron kang sariling ka ng desisyon" sabi ni Sakutou

"Nangako ako na kapag tinulungan mo si Kuya sa sasalihan nyang Tournament at pagtulong mo kay hako, makikipag date ako sayo, pero sekreto ito isa yan sa mga condition ko nong huli tayong nagkita naalala mo pa ba" sabi ni Aisha

"Oo na, pero hindi ko maipapangako na matutulungan ko si Sakuragi sa Tournament na sasalihan nya, ilang taon narin akong tumigil sa paglalaro aaminin ko kulang na ako sa stamina kahit na siguro mag physical training ako hindi na babalik ang buong lakas ko, pero meron isang paraan para ganahan ako at lumakas ako" sabi ni Sakutou

"Kung hindi mo matutulungan si Kuya sa sinalihan nilang tournament tapos na ang usapan na toh" sabay tayo ni Aisha

"Wag kang umalis, meron akong sasabihin, Siguradong ginawa ito ni Sakuragi noon, Kayong mga babae malaki ang pakinabang ninyo saming mga Athletic, hindi kopa toh nagagawa, Oo aaminin ko mahilig ako sa babae, subalit yung bagay na yun hindi ko pa yun nagagawa sa edad kong ito dahil ang gusto ay sa babaeng nagugustuhan ko, kung baga sya na magiging asawa ko, Gusto mo bang malaman?" Sabi ni Sakutou

"Ayoko kong malaman, hindi ako interesado, Kapag hindi kapa tumigil sa kakasalita aalis na talaga ako" sabi ni Aisha.

"Okey" sagot ni Sakutou

Samantala isang bisita ang dumating sa bahay nila Sakuragi ang mag asawang si Sora at Kumi

"Pasok kayo. Haruko nandito na sila!" Tawag ni Sakuragi kay Haruko

Dumating si Haruko

"Kumi" masayang sinalubong ni Haruko ang pinsan nyang si Kumi

"Haruko" sagot ni Kumi

Kasama ni Sora at Kumi ang nag iisang anak nilang si Shelia

Sa Sofa nagkamustahan sila

"Mabuti nman at pumayag ka sa request ko na magkaroon kami ng practice game sa Team Shintai" sabi ni Sakuragi

"Hindi ko tatanggihan ang request mo, kaylan ba ang B. league Tournament?" Tanong ni Sora

"Sa susunod na buwan, malaking tulong samin kung makakalaro namin ang #1 College Team sa bansa" sagot ni Sakuragi

"Ang totoo nyan, tatlong araw kami dito, kaya sinama kona si Kumi at Shelia, Si Ace nman at ang kapatid nya, pumunta sila sa bahay ampunan na dating kumupkup sa kanila kaya hindi sila sumama" sabi ni Sora

Habang kausap ngayon ni Haruka si Shelia ang mag 2nd cousin

Si Haruko at Kumi nman ay pumunta sa kwarto kung saan natutulog si Lara ang baby ni Sakuragi at Haruko

Tumayo si Sora

"Mauuna na ako sayo, Nasa Shohoku ang Team ko baka hinihintay nila ako" sabi ni Sora

"O sige susunod na lang ako" sagot ni Sakuragi

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now