Chapter 36: Veterans Vs Generation

120 10 3
                                    

Umaga 6:30am sa loob ng kwarto ni Sakuragi at Haruko, habang pinapadede ni Haruko ang isang buwan gulang na si Lara

Habang si Sakuragi ay hinahanda nya ang isusuot nya, ngayon araw kasi matutuloy na ang practice nila sa Shohoku gym house kung saan dadating ang dalawang bagong kasama nila

Kinuha ni Sakuragi ang polo nya

"Magpopolo ka? Dun ka lang nman pupunta sa shohoku" sabi ni Haruko na nakaupo sa kama nila, habang dumedede sa kanya ang anak nilang si Lara

Lumingon si Sakuragi subalit agad din nman umiwas ng tingin namula pa ang pisngi

"Hindi, Tinignan ko lang toh" sagot ni Sakuragi

Makita ni Haruko ang pag iwas ni Sakuragi at namula pa ang pisngi nito

Napalingon sya sa dibdib nya dumedede si Lara habang ang isa nakatago

"Hiii hii" sabay binaba ni Haruko ang damit nya

"Sakuragi-kun" tawag ni Haruko

Lumingon si Sakuragi

"Ahhhkkk ano bang ginagawa mo!"" na parang nakakita ng multo

"Hahahaha! Perverrrt!" Sagot ni Haruko

"Uuukkkmmm" napangiwi na at namula ang mukha ni Sakuragi sabay iwas ng tingin

"Nakakatawa ka, napaka inosente mo, parang ngayon mo palang toh nakita" sabi ni Haruko

"Wag ka ngang magsalita ng ganyan" sagot ni Sakuragi

"Shanga pala honey, Ikaw ng bahala kay Hako at Akito ngayon na nagkakaayos na sila, sana magtuloy tuloy na" sabi ni Haruko

"Oo, ngayon araw pagkatapos ng practice namin balak kong turuan na si Akito, sige aalis na ako" sagot ni Sakuragi

"Mag iingat kayo ahh, Honey" sagot ni Haruko

Lumabas na ng kwarto si Sakuragi

"Ahhh Kuya anong nangyari sayo? Bat pulang pula ka?" tanong ni Sonomi

"Ahhh wala! Nasaan si Aisha?" Tanong ni Sakuragi

"Ahhh maaga syang umalis, di na daw sya sasabay sayo, nauna na syang pumunta ng trabaho" sagot ni Sonomi

"Ganun ba? Haruka, Sakura halina kayo" tawag ni Sakuragi

Tuwing umaga inahatid ni Sakuragi si Sakura at Haruka sa school, kung minsan sumasabay sa kanila si Aisha kapag papasok sa trabaho

Samantala si Sakutou sa apartment na pagmamay ari ng Hanamichi Family mag isa sya, nakaupo sya sa sahig na may alak na katabi

Depress na depress lalo syang nalungkot dahil hindi nya kasama ng kapatid nyang si Sakuna at tatay nilang si Sakutobi

"Hay akala ko pagdating ko dito, sasaya na ako ganun din pala, Naging medyo masaya lang ako nang dumating ang makulit na batang si Hako, sa pagtuturo ko sa kanila ng basketball nagkaroon ng libangan, at sa tingin ko dun nagkaroon ng silbi ang malungkot kong buhay, Ngayon na wala narin ang tatlong batang yun, ano na kaya gagawin ko? Bumalik sa gawin na yun? Maghanap ng mga sisilipan na mga babae? Huh? Kaylangan nga ba ako tumigil sa gawain na yun? Ahhh oo tama, nong dumating si Hako, naging busy ako sa pagtuturo sa batang yun" nakangiti na si Sakutou habang sinasabi nya ang mga bagay na ito

Nang biglang may kumatok sa pinto

"Huh? Sino nman" sabay tayo ni Sakutou para tignan kung sino ang tao sa labas

Pagbukas nya nagulat sya dahil

"Ahhhhhk Ahh-Aisha" gulat na nakangiwi na si Sakutou

"Pwede ba akong pumasok?" Tanong ni Aisha na seryoso ang mukha

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon