Chapter 34: Ang Kahinaan Ni Akito

141 11 3
                                    

Naglalakad si Sakutou papunta sa bahay nila Sakuragi, Dahil sa may usapan silang magkikita kinabukasan sa Shohoku, at hindi nya makita ang skwelahan na iyon nagdesisyon syang pumunta na lang sa bahay ni Sakuragi

Pagdating nya sa gate nakita nya si Aisha nagdidilig ng mga halaman, bigla na lang nag bago ang mga mata ni Sakutou maging matalim

Napalingon sa kanya si Aisha

"Anong ginagawa mo dito?" Tanong ni Aisha

Pero hindi maiwasan ni Sakutou na makatingin sa sexing katawan ni Aisha

"May usapan kami ni Sakuragi, Nandyan ba sya? Bukasan mo tong gate" sagot ni Sakutou

"Wala dito si Kuya umalis kana" sagot ni Aisha na natatakot, ni hindi sya lumapit

Nang biglang

"Ang lakas nman ng loob mong palayasin ako dito, Dahil kung totoosin hindi ako ibang tao, diba? Kung meron man ibang tao dito ikaw yun, ikaw na hindi nman talaga totoong kapatid ni Sakuragi" sabi ni Sakutou na kinagulat ni Aisha

"Anong gusto mong palabasin?" Tanong ni Aisha

"Palabasin? Hahaha nagpapatawa kaba? Hindi na kailangan palabasin dahil ang totoo, Hindi ka nman talaga parte ng pamilya, Sino kaba?" sagot ni Sakutou na nanlaki ang mga mata ni Aisha

"Mabuti si Sonomi, kahit papaano may connection kay Sakuragi dahil kapatid nya sa ama, ehh ikaw tanungin kita ano ka sa buhay ni Sakuragi? Diba wala? Isang katangahan ang tawagin ka nyang bunsong kapatid dahil ang totoo si Sonomi ang bunsong kapatid nya hindi ikaw" sabi ni Sakutou

"Tumahimik kah, Wala kang alam, Ikaw! Ang sama mo para sabihin yan sakin" sagot ni Aisha

"Oh Talaga? Gusto mong malaman ang totoo Aisha? Ang totoo nyan noong hawak pa kayo ni Alvarez, Si Sonomi lang ang gustong iligtas ni Sakuragi dahil si Sonomi ang totoong kapatid nya, Nong nasa hospital ka, alam moba kung sino nagtakas sayo doon? Walang iba kundi ako" sagot ni Sakutou na kinabigla ni Aisha

Naalala nga ni Aisha noon na may lalaking bumuhat sa kanya subalit dahil nanghihina sya hindi nya makita ang itsura ng lalaking iyon, pero nakita nya ang kulay pulang buhok nang lalaki kaya ang akala nya si Sakuragi ang naglitas sa kanya, ngayon ay alam na nya na si Sakutou pala

"Bata ka pa noon, Nang maganap ang Tournament na iyon, porsegido si Sakuragi na talunin ang mga players ni Alvarez, isa ako sa mga basketball player ni Alvarez subalit kampi ako kay Sakuragi, porsegido si Sakuragi na iligtas ang kapatid nyang si Sonomi wala syang pakialam sayo, at dahil kilala ko nman ang kapatid mo noon at alam ko na may kapatid sya, ako na mismo ang nagligtas sa kapatid nya, at ikaw yun Aisha, Tinakas kita sa Hospital, gusto kang paslangin ni Alvarez, dahil sa nagtraidor na ang kapatid mo sa kanya, wala talagang pakialam sayo si Sakuragi, isa kang pilit na nagsusumiksik sa pamilya Hanamichi" sagot ni Sakutou

"Tumahimik kahhhh" sigaw ni Aisha na binuhusan ng tubig sa mukha si Sakutou habang umiiyak sya

Dahil sa sigaw nya narinig sya ng mga tao sa loob ng bahay

"Ahhh Kuya" sabi ni Sakuna na nagmadaling lumabas

"Aisha, Ikaw anong ginawa mo sa kapatid ko" galit na galit na si Sonomi

Samantala
Patuloy parin ang 1on1 ng magkapatid na kambal na anak ni Sakuragi at Haruko na si Sakuhako at Akito

"Ngayon ko lang nakitang may nakasabay kay Akito-sama ng ganito" sabi ni Gildar isa sa player ng shohoku na Center

"Dyan na lalabas ang problema kay Akito" sagot ni Kate

"Anong ibig mong sabihin Kate?" Tanong ni Renz isa ring player ng Shohoku na Center at Captain ng buong Grupo

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now