Chapter 53: Ang Simula Ng Paghihirap Ni Kate Para Sakanyang Ama Na si Rukawa

126 13 2
                                    

Sa Shohoku Gym House kakatapos lang ng practice ng Team Kanagawa kasama ang Team Shintai

Kasama si Akito sa practice game, kakampi nya ang Team Kanagawa

Habang nagpapahinga sila sa bench

"Baka heto na ang huling laro ko" sabi ni Mitsui

"Kami nman ni Ayako balak namin magbakasyon, kaya baka heto narin ang huling laro ko" sabi naman ni Miyagi

"Magreretiro na kayo? Hay naku masyado pa kayong bata para magretiro" sabi ni Sakuragi

"Bakit ikaw Hanamichi kaylan kaba magreretiro?" Tanong ni Miyagi

"Hanggat may basketball dito sa mundo hindi ako magreretiro" sagot ni Sakuragi

Medyo natawa si Mitsui, Oda, Renzuki at si Miyagi sa narinig nilang sagot ni Sakuragi

"Anong tinatawa tawa nyo dyan ahh" nabadtrip na si Sakuragi

"Kahit na hanggang sa uugod ugod kana dika parin magreretiro, mga NBA players nga nagreretiro" sabi ni Miyagi

"Hindi nman kasi ibig sabihin na titigil ako sa paglalaro, Kung dumating man yung araw na sinasabi mong matanda na ako at di kona kayang maglaro ng basketball, maaari kong ituro ang mga natutunan ko sa mga bata, kagaya ni Tanda Amano gusto ko rin mapanood ang mga batang matuturuan ko balang araw pakiramdam ko parang ako narin yung naglalaro, pero syempre hanggat nakakagaw pa ang katawan ko hindi ako titigil sa paglalaro ng basketball dahil ang basketball ang kaligayahan ko" sagot ni Sakuragi

Napatingin sa kanya si Akito habang sina Mitsui,Miyagi, Oda at iba pang nasa bench ay lumaki ang respeto nila kay Sakuragi, narinig ni Daisuke ang pinag uusapan nila

"Merong darating dito na mga NBA players" sabi ni Daisuke

"Isang NBA Players? Sino sila Daisuke?" Tanong ni Sakuragi

"Ang Tatlo sa kanila ay player sa NBA, Shaka gusto kitang makausap Kuya tungkol sa isa sa kanila" sagot ni Daisuke

"Bakit Daisuke, anong meron sa isa sa kanila?" Tanong ni Sakuragi

"Ang isa sa kanila si Byron Perkins, Nalaman ko na si Bryon Perkins ay boyfriend ni Ate Jasmin" sagot ni Daisuke

"Ano? Boyfriend ni Jasmin? Teka kung ganun si Rukawa" medyo nabigla si Sakuragi maging sina Miyagi, Mitsui, Renzuki

"Na-contact ko si Kuya Rukawa nakatira sya ngayon sa isang apartment sa Los Angeles, uuwi narin sya" sagot ni Daisuke

"Kaylan nman darating yung sinasabi mong mga player sa NBA?" Tanong ni Mitsui

"Dalawang linggo, kasama nila si Ate Jasmin, shaka Kuya Sakuragi, meron din sinabi sakin si Rukawa, Tungkol sa anak nyang si Kate" sabi ni Daisuke

Habang malalim ang iniisip ni Sakuragi di man halata pero nag aalala sya kay Rukawa

"Isa yan sa dahilan kaya bumista ako sa inyo dito, Heto nahanap ko sa internet" at may pinakita si Daisuke sa cellphone nya, Isang picture ni Jasmin na kasama si Byron Perkins

Pero ang kinagulat talaga nila na si Byron Perkins pala ay isang Black American

"Pumatol si Jasmin sa mukhang gurilya na yan? Anong nangyari sa kanya?" sabi ni Mitsui

Habang hindi nagugustuhan ni Sakuragi ang mga nalalaman nya ngayon, kahit na papaano nakasama nya si Jasmin noong high school sila noong naging coach si Jasmin ng Team Legendary kahit na matagal na silang hindi nagkikita magkaibigan parin sila, halos 14 years na nyang hindi nya nakikita si Jasmin

"Kung meron kang number ni Rukawa pakibigay sakin, para makahabol pa sya sa B League Tournament" sabi ni Sakuragi

"Sige kuya" sagot ni Daisuke

Suramu Danku: Next Generation 1Hikayelerin yaşadığı yer. Şimdi keşfedin