Chapter 63:Ang Babaeng Minahal Ni Rukawa At Ang Pagpapanggap Ni Kate at Sakuhako

165 13 3
                                    

Sa Shohoku Gym House matindi ang pag alala ng mga players ng shohoku sa balitang kinuha na si Kate ng kanyang ina

Lalo na ang mga batang dito nakatira

"Ate Zoey totoo ba na nawawala si Ate Kate?" Tanong ng isang batang dito nakatira sa Shohoku gym house sya si Jian 10 taong gulang

"Wag kayong mag alala babalik ang Ate Kate nyo" sagot ni Zoey

"Hindi, Hindi sya pwedeng umalis" sabi ni Hiro isa sa mga batang nakatira din dito 10 taong gulang

"Wahhhh Mommy Kaaate" umiiyak nman na si Kia 10 taong gulang

Si Kia na isa sa batang nakatira dito mommy talaga ang tawag nya kay Kate, Iyakin sya at kulang sa katapangan subalit naniniwala si Kate na balang araw ay magiging magaling na basketball player si Kia

"Uminahon lang kayong lahat" sabi ni Renz

Tumigil sa pag iiyak ang mga bata

"Hindi mawawala si Kate sa shohoku mayron lang syang inaasikasong problema kaya kung ako sa inyo imbes na umiiyak kayo dyan, ay gawin nyo na ang palagi pinapagawa sa inyo" sabi ni Renz

Ang mga batang ito ay inaalagaan nilang lahat, nag aaral sila ng basketball, dito sila nakatira, mga elementary students sila na balang araw magiging manlalaro ng shohoku

"Wala bang ginagawang aksyon si Kuya hako?" Tanong ni Hiro

"Kasalukuyan na syang papunta doon, Makinig ka Hiro wag mong susubukan na umalis dito" sagot ni Renz

Si Hiro ang pinakamakulit na batang inaalagaan ng Shohoku, mataas ang respeto nya kay Kate dahil siguro palagi din syang binubukulan sa ulo, At hinahangaan nman nya sa paglalaro ng basketball si Sakuragi

Samantala sa isang malaking bahay sa Tokyo, na may tatlong palapag

Sa pinakatuktok ikinulong ni Jasmin si Kate, upang hindi ito makatakas

"Wag mo nang subukan pang tumakas dahil ka makakatakas, pagkatapos ko dito babalik na tayo ng amerika, magbihis kana" sabi ni Jasmin

Habang na nakaupo si Kate sa isang kama

"Mommy, Hindi ko maintindihan bakit ba ginagawa nyo toh sakin? Ano bang naging kasalanan ko sa inyo, Gusto ko lang nman magkaroon ng masaya at kumpletong pamilya, Ngunit sinira ang pangarap kong yun, dahil mas pinili nyo ang lalaki nyo" sabi ni Kate na umiiyak

"Siguro heto na ang tamang oras para sabihin ko sayo ang totoo" sabi ni Jasmin

"Huh? Anong totoo?" Tanong ni Kate

"Kami ng papa mo ay wala talagang naging relasyon" sagot ni Jasmin

"Ano? Anong ibig sabihin non?" Tanong ni Kate

"Noong disi-otso ako, naging Coach ako dito sa Japan, Isang National High School Team, Ang Team Legendary, At isa sa mga members ay ang papa mo, Kagaya ng ibang Team sumusunod ang player sa kanyang Coach, Yun lang ang maging ugnayan namin ng papa mo, Dahil noong panahon na iyon ay mayron akong nagugustuhan, at ang papa mo mayron syang girlfriend, Noong maging champion kami sa Inter League Tournament, doon na nagpakatotoo yung lalaking gusto ko, Sumama sya sa manager ng Team, at ang papa mo nman ay nakipag break sa kanya ang girlfriend nya, Nang araw na yun, nagkaroon ng inuman, pareho kaming lasing ang papa mo at don na nangyari ang di dapat nangyari dahil siguro pareho kaming heartbroken kaya nang yari yun, Kinabukasan nang maalala namin ang nangyari nagdesisyon kaming ibaon sa limut ang lahat na parang walang nangyari, Ngunit makalipas lang ng ilang linggo doon ko nalaman na buntis ako, sasabihin ko sana sa papa mo pero mayron syang natanggap na invitation galing sa korea na gusto syang kunin, Kaya hindi ko nasabi sa kanya, Pinalaki kita ng mag isa na hindi na lalaman ng papa mo, Naiintindihan mo nman Kate na hindi talaga tayo pwedeng mabuo bilang isang pamilya" paliwanang ni Jasmin

Suramu Danku: Next Generation 1Donde viven las historias. Descúbrelo ahora