Chapter 30: Ang Shohoko

101 11 2
                                    

Makalipas ang tatlong buwan, Dumalo si Sakuragi sa graduation ng kapatid nyang si Aisha sa Distrito ng Kanayama

Kahit na hindi nman talaga kapatid ni Sakuragi si Aisha, kapatid ang turingan nila, Ang ate ni Aisha na si Sonomi ay kapatid ni Sakuragi sa ama, habang si Aisha kapatid ni Sonomi sa ina

23 palang ang edad ni Aisha at ngayong araw ay graduation nya

Si Sakuragi na ang nagpaaral kay Aisha, at sya rin ang nag asikaso sa boarding house ni Aisha kung saan sya nakatira

Ang tatlong magkakapatid
Sakuragi 32 years old
Sonomi 26 years old
Aisha 23 years old

Wala pang asawa si Sonomi kasalukuyan syang nagtratrabaho sa basketball association bilang Coach ng National Female Team

Sa stage kung saan nakasuot ng Toga si Aisha umakyat si Sakuragi nanginginig dahil maraming tao nahihiya, habang si Sonomi tamang kuha ng litrato

"Congratulations" sabi ni Sakuragi

"Kuya, wag kang kabahan" sagot ni Aisha

Hawak ni Aisha ang deploma nya humarap sila sa mga tao, at humawak si Aisha sa kanang braso ni Sakuragi habang kinukunan ng picture ni Sonomi

Pagkatapos si Sonomi nman ang umakyat at si Sakuragi nman ang kumuha ng pictures

Matapos kumuha ng mga pictures may inutusan si Sakuragi na kuhanan sila ng litrato, silang tatlong magkakapatid

Pagkatapos ng graduation bumyahe sila pauwi ng Kanagawa kung saan sa bahay ni Sakuragi isasagawa ang graduation party ni Aisha maraming mga bisita ang dumating, para batiin si Aisha

Sinabi din ni Sonomi kay Haruko na mas mabuting dito na muna sila titira ni Aisha dahil sa bukod sa bumalik si Sakuragi sa pagbabasketball, buntis pa si Haruko ng apat na buwan lumalaki na ang tyan

Para mayron katuwang si Haruko sa pag aalaga ng maliliit na anak ni Sakuragi at Haruko

8pm ng gabi

Kasama ang ilang mga kaibigan, bisita pati narin si Mitou, lasing na si Sakuragi, dumating si Aisha

"Kuyah, bakit ka ba uminom" sabi ni Aisha

"Ahhh ikaw pala yan, hahaha" sabay inakbayan ni Sakuragi na halos matumba na

"Kayo alam nyo nman na mahina si Kuya sa alak niyaya nyo pa sya uminom hay" nainis na si Aisha sa mga kainuman ni Sakuragi

At dahil subrang kalasingan, Inalalayan na sya ni Aisha dumating si Sonomi

"Ate tulong" sabi ni Aisha

"Hay nako" sagot ni Sonomi

Pareho nilang inalalayan si Sakuragi pakanta kanta pa ng

"Ako ay isang henyo, si Hanamichi Sakuragi henyo henyo henyo henyo" pakanta kanta na si Sakuragi

Dumating si Haruko na nadatnan nyang inaalalayan ang asawa nyang lasing

"Anong nangyari sa kanya" tanong ni Haruko

"Ayon Ate, niyaya nila Kuya Mitou makipag inuman, Alam nman nila mahina si Kuya sa alak" sagot ni Aisha

"Hay nako matanda na pasaway parin" sabi nman ni Sonomi

"Sakuragi-kun" na nasabi na lang ni Haruko habang pakanta parin si Sakuragi

At dinala nila ang laseng na si Sakuragi sa higaan, maagang pinauwi ni Sonomi ang mga bisita, dahil sa gabing gabi na, at tulog na ang mga bata

Habang nililigpit ni Sonomi ang mga gamit, mga pinagkainan, mga bote ng alak at ilan pang nakakalat sa bahay ng kuya nila

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon