Nagsimula na nga ang laban ng Team Shohoku B vs Team Riot, ang mananalo ay makakalaban ang Shohoko A na nagawang talunin ang Team Soulferus
"Wahahahaha heto na ang tamang panahon para ipakita ko sa mga unggoy na nakaupo don kung gaano ako kagaling wahahaha" malakas na tawa ni Sakuhako
Habang ang mga nakaupo na si Sakuragi, Yutaro, Gordon at Rukawa
"Pasensya na Sakuragi, ngayon palang ekis na sya sakin" sabi ni Gordon
"Sino sinasabihan nyang unggoy? Hindi ako papayag na makasali sya sa Team Legendary, pasasali kahit anak mopa sya Sakuragi, puputi lang ang buhok ko sa kanya" sabi nman ni Yutaro habang si Sakuragi
"Grahhhhhhh" na nabwisit na si Sakuragi
"Hindi tayong tatlo yung sinasabihan nya, yung tatay nya at sarili nya, sinasabihan nya, tignan nyo magkamukha sila parehong unggoy" banat ni Rukawa
"Tumahimik ka nga dyan Rukawa, gusto ba ng away" pumutok na ugat sintido ni Sakuragi
Habang si Sakuhako patuloy parin sa
"Wa-hahahaha" tumatawa ng mag isa
Lumapit si Lyion at
"Ano pa bang ginagawa mo dyan unggoy ka" na binigyan ng suntok sa mukha
"Ggrahhhh bumalik ka dito, humanda kah ang sakit ng ginawa mohh" sagot ni Sakuhako papunta na sya sa kanilang bench para upakang si Lyion
"Dalawang gong gong" bulong ni Rukawa
Maya maya lang
Nasa gitna na ng court ang Team Shohoko B at Team Riot
Ang Team Shohoko B na sina
Renz Reider - Center
Sakuhako Hanamichi - Power Forward
Lyion Hamasaki - Point Guard
Ishiga Tomaki - Shooting Guard
Wiston Ochiyo - Small ForwardAt ang Team Riot na sina
Hideyoshi Jun - Center
Souta Kohakou - Point Guard
Tadeo Touichi - Small Forward
Kenzato Orochiro - Power Forward
Hanomo Toukou - Shooting Guard"Maglaro kayo ng patas, alam nyo na ang patakaran diba? Kapag nagka-injury ang isa sa kasama ninyo, automatic talo na ang grupo nyo, at kapag may apat ng foul, talo na ang grupo nyo, maliwanag?" Sabi ni Daisuke ang Vice Chairman ng Basketball Association at Referee ngayon
"OO" sigaw nilang lahat
"Ngayon Jumball" sabi ni Daisuke lumapit si Renz ang sentro ng Shohoku A at si Hideyoshi
"Matagal ko nang hinihintay toh Renz" sabi ni Hideyoshi ng Team Riot
"Ganun ba? Pwes ganun din ako" sagot ni Renz
Samantala nanonood nman ang pinsan ni Renz na si Kate, nakabihis na si Kate kahit na pagod pa sa naging laro nila kanina gusto nyang manood para suportahan si Renz
"Alam kong kaya yan ni Kuya Renz" sabi ni Kate ng Shohoku A
"Si Renz at Hideyoshi masasabi kong sila ang pinakamagaling pagdating sa ilalim" sabi nman ni Ace ng Shohoku A
"Oy teka teka baka nakakalimutan nyo nandito din ako" sabi ni Kioko ng Shohoku A
Sabay na tumalon si Renz at Hideyoshi at nang pareho na nilang nahawakan ang bola magkakasubukan sa lakas, naramdaman ni renz ang lakas ni Hideyoshi at dahan dahan syang natulak habang nasa ere sila
"Natalo si Kuya Renz?" Na nagulat na si Kate
"Hindi sa tingin ko tabla lang sila" sagot ni Ace
Agad na kinuha ng Point Guard ng Team Riot na si Souta ang bola at nagulat sya ng biglang lumitaw sa harapan nya si Lyion
YOU ARE READING
Suramu Danku: Next Generation 1
RomantikaDalawang Kambal si Sakuhako at Akito sino sa kanila ang Tunay na Henyo sa Basketball?