Chapter 48: Ang Kapatid Ni Sandro na si Zairyl, Ang Umpisa ng 2nd Half

89 11 1
                                    

Sana Locker room parin ang shohoko samantala dahil nag aalala ang Shohoko Female Players papunta rin sila sa locker room ng shohoku para kamustahin si Lyion

Subalit si Zairyl napalingon sya kanam sa di kalayuan nakita nya ang isang lalaki napatigil sya sa paglalakad

"Kuya" sabi nya at nakita din sya ng taong tinitignan nya

Ang taong ito walang iba kundi si Sandro Watanabe ng Ryonan high

Naiwan na si Zairyl ng mga kasama nya

"Anong ginagawa mo dito Kuya?" Tanong ni Zairyl

Nakita ni Sandro na nakasuot ng basketball jersey ng shohoku ang kapatid nya

"Zairyl, hindi mo parin sinunod ang sinabi ko" sabi ni Sandro

"Ano bang ginagawa mo dito Kuya, nandito kaba para panoorin kami" tanong ni Zairyl

"Narinig ko kasi na naglalaro ngayon ang Shohoko, kaya alam ko na nandito karin, Matagal na din kitang hindi nakikita, Bakit hindi ka na lang sa Ryonan sumali" tanong ni Sandro

"Nakalimutan mo na ba? Ang Lolo natin ang dating Coach ng Shohoku, yun ang dahilan kaya sumali ako sa shohoku at don narin ako tumira" sagot ni Zairyl

Si Sandro Watanabe ay 18 years old 3rd year sa Ryonan High, bunsong kapatid nya si

Zairy Watanabe 16 1st year sa Shohoku High

Apo sila ng dating Coach ng Shohoku na si Coach Anzai, Anak sila ng bunsong anak ni Coach Anzai.

"Hindi porket ang Lolo natin ang Coach ng Shohoku ay sa shohoku ka narin, matagal ng wala ang shohoko naiintindihan koba" sagot ni Sandro

"Nagkakamali ka Kuya, dahil alam hindi nawala ang shohoko na palaging kinukwento satin ni Lolo bago sya nawala, naalala mo pa ba na sinabi din nya na babalik ang shohoko, Nangako ako na magiging basketball player ako at kapag bumalik na ang shohoko sasali ako, pero nang mamatay si Lolo at bumalik na ang Shohoko na minahal, naging player kana ng Ryonan, hinikayat kita na lumipat sa Ryonan pero ayaw mo" sagot ni Zairyl

"Ang pag abandona sa mga kasama ay isang malaking kasalanan, Kaya hindi ako pwedeng lumipat, Zairyl sumali kana sa Ryonan" sabi ni Sandro

"Kagaya nga ng sinabi mo Kuya, Ang pag abandona sa mga kasama ay isang malaking kasalanan, Kaya hindi ko iiwan ang shohoko, ang shohoko na minahal ng lolo natin" sagot ni Zairyl

Nang biglang nagsigawan ang mga tao, dumating na pala ang Shohoko at Miyuradai magsisimula na ang 2nd Half

Dumating ang mga kasama ni Zairyl na sina Althena, Akia, Milliana sa di kalayuan nakita nila si Zairyl na may kausap

"Sino kausap ni Zairyl?" Tanong ni Akia

"Hhhmmm malamang boyfriend nya, heto talaga si Zairyl may boyfriend na pasikretong pinapantasyahan pa si Hako" sabi ni Althea

Ngunit si Akia.

"Kilala ko sya" sabi ni Akia

"Huh? Kilala mo? Sino sya?" Tanong ni Milliana.

"Sya si Sandro Watanabe ng Ryonan high, Ang #1 player sa Distrito" sagot ni Akia

"Ano? #1 sa Distrito" medyo nabigla na si Milliana

"Akala koba yung maangas na Yuriko ang #1 sa Distrito" sabi nman Althena

"Same kami ng skwelahan na pinapasukan noon Junior, kilala sya ng lahat dahil sa husay nya sa paglalaro ng basketball, 1st year palang ako non at sya 3rd year nang mag graduate sya, nabalitaan namin na nanalo ang Team nila at yun ang Ryonan, sya ang tinanghal na #1 player sa Distrito" sagot ni Akia

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now