Chapter 62: Ako si Hanamichi Sakuhako, At ang Pagliligtas ni Sakuhako kay Kate

162 13 9
                                    

Kinagabihan sinabi ni Akito na nanalo sila laban sa Takezato

Samantala huling gabi narin ng mag asawang Kumi at Sora at ang anak nilang si Shelia sa bahay ng Hanamichi Family

Kitang kita na nagdidistansya si Aisha at Sakuhako sa isat isa, yan ang napansin ni Sakuna pinsan ni Sakuragi

Ngunit malakas ang kutob ni Sakuna na mayron nililihim ang dalawa, kaya dina sya nagpigil iniisip nya ang para sa kinabukasan ni Sakuhako

Nakikipagkulitan si Sakuragi sa dalawang anak nya na si Lilia at Lucy, nakisali narin si Sakura habang tulog sa tabi nila si Lara, bunso ni Sakuragi

"Sakuragi-kun ang ingay nyo baka magising si Lara" sabi ni Haruko

"Napaka-kill joy ng nanay nyo" sabi ni Sakuragi

"Mama killjoy" sabi ni Lilia dalawang taong gulang

"Hahahaha ang galing mo lilia, killjoy talaga si mama hahaha" tawa ni Sakuragi sabay binuhat ng mataas si Lilia

"Anong sinabi nyo, ggrrhhhhmm humanda kayo" ma makikisali na sa kulitan si Haruko nang biglang may kumatok

"Ate Haruko" boses ni Sakuna

"Si Sakuna" sabi ni Haruko lumapit sya sa pinto at binuksan nya

"Mayron akong sasabihin sayo" sabi ni Sakuna

Napangiwi si Sakuragi, iniisip nya na baka sasabihin ni Sakuna ang tungkol kay Aisha at Sakuhako

Binaba nya si Lilia, sumenyas sya kay Sakuna na wag sabihin subalit

"Ate Haruko tungkol kay Aisha at Hako" sabi ni Sakuna

"Anong tungkol kay hako at Aisha?" Tanong ni Haruko habang napahawak na lang si Sakuragi sa noo nya

Samantala kausap ngayon ni Sakuhako si Sakutobi ang uncle ni Sakuragi at tatay ni Sakutou at Sakuna sa isang silid

"Bakit gusto mo akong makausap tanda?" Tanong ni Sakuhako

"Tahimik lang ako ngunit nagmamasid ako, at sa tingin nangyayari na ang dapat na hindi na mangyari" sagot ni Sakutobi

"Huh? Hindi ko kayo maintindihan, ano bang sinasabi nyo na hindi na dapat mangyari?" Tanong ni Sakuhako

"Tignan mo ito" sagot ni Sakutobi mayron syang ibinigay na mga litrato kay Sakuhako

"Sino nman ang lalaking toh?" Tanong ni Sakuhako

"Sya ang aking ama, si Sakurou Hitogami, tignan mo ang iba pang mga litrato" sagot ni Sakutobi

At tinignan ni Sakuhako ang isa pang litrato, nanlaki ang mga mata nya sa nakita nya

"Ano? Pa-paano? Paano nandito sa lumang litrato na toh si Aisha" sabi ni Sakuhako

"Hindi sya si Aisha, Sya si Aisia ang aking ina" sagot ni Sakutobi

"Ano?" Gulat na si Sakuhako

"Tignan mo pa ang ilang mga litrato" sabi ni Sakutobi

Tinignan ni Sakuhako ang ibang litrato at nagulat sya ulit sa nakita nya

"Imposible? Si Althena" Gulat nang makita nya sa litrato ang kamukha ni Althena

At tinignan pa nya ang ilang mga litrato, nakita nya na kamukha ng nasa litrato si Zairyl at Miu

"Paano?" Gulat na si Sakuhako

"Ang apat na yan ang naging asawa ng ama" sabi ni Sakutobi

"Paanong nangyari toh? Bakit kamukha ni Aisha ang sinasabi nyong nanay nyo? itong isang toh bakit kamukha ni Althena, heto kamukha ni Miu at pati narin ito kamukha ni Zairyl" na naguguluhan na si Sakuhako

Suramu Danku: Next Generation 1Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon