Chapter 6: Sa Bahay Ni Sora, At sa Takashita Family

111 7 0
                                    

Gabi sa bahay nila Sora at Kumi dumating si Ace kasama ang apat nyang teams para humingi ng payo at tulong sa kanyang ama na si Sora

"Ganun ba? Naituro kona sayo ang lahat Ace" sagot ni Sora nakaupo sya may dyaryong binabasa

"Naiintindihan ko papa, Gusto ko lang humingi ng payo" sagot ni Ace

Dumating ang kanyang ina na si Kumi

"Nakauwi kana pala Ace, Sino mga kasama mo?" Tanong ni Kumi

"Mga kaibigan ko sila, Dito muna sila matutulog, papa gusto namin sumali sa practice game ng Shintai" sagot ni Ace

"Kayong bahala" sagot ni Sora

Nagsalita si Kumi

"Kumain naba kayo? Halikayo" sabi ni Kumi, sumama nman si Kate, Kioko, Louki at Jai ang apat na kasama ni Ace

Habang si Ace kausap parin ang kanyang ama

8pm ng gabi, nakikipagtalo si Kate kay Ace

"Hay kasalanan mo kaseehh, sabi kong wait muna dahil kukuha ako ng mga gamit ko, masyado ka kasing nagmadali" sabi ni Kate

"Edi mag suot ka na lang ng damit ko" sagot ni Ace

"Nagpapatawa kaba ahhh" bwisit na si Kate dumating ang ina ni Ace

"Oh anong nangyayari dito?" Tanong ni Kumi

"Ahh pasensya na po tita" sabi ni Kate

"Dapat hindi kayo nagtatalo, magkasama kayo sa Team" sagot ng ina ni Ace

Kaya nawala ang inis sa mukha ni Kate

"Kasi po Tita, bigla na lang kami kasing binitbit ni Ace dito, wala kaming dala kahit na ano, yung tatlo siguro okey lang sa kanila pero ako syempre hindi nman ako pwedeng magsuot ng mga damit nya" reklamo ni Kate

"Ahhh yan pala problema" sabi ni Kumi

At may naisip si Kumi tinignan nya ang katawan at height ni Kate dahil

"Baka kasya sayo yung mga dapat ko" sabi ni Kumi

"Ano po" sabi ni Kate habang si Ace parang walang naririning iniisip nya kasi ang pagsasanay nila kasama ang college team ang team Shintai na hawak ng kanyang ama

"Sumama ka sakin" sabi ni Kumi

Kaya sumama si Kate, sa isang aparador kinuha ni Kumi ang mga dating damit nya

"Heto yung mga damit ko noong nasa high school ako, Teka ilang taon kana ba Kate?" Tanong ni Kumi

"Ahhmm 14 po" sagot ni Kate

"Ahhh hindi halata, mas malaki ang katawan mo kaysa sakin, 16 age ko ng isuot ko ang mga damit na yan" sabi ni Kumi

Habang si Kate

"Hehe ano pinapalabas nya mataba ako ehk" sabi nya sa kanyang isipan

"Hhhhmmm napansin ko, may ibang lahi kaba?" Tanong ni Kumi

Habang sinusuot, sinusukat ni Kate ang mga damit na nilabas ni Kumi

"Ahhh upo, ang mommy ko, half American" sagot ni Kate

"Hhhmmm kaya pala, sabi ko na nga ba, ang puti mo kasi" sagot ni Kumi

May nakita si kate na High School Uniform

"Ahhh yan? Yan yung uniform ko sa shohoku High School" sagot ni Kumi

"May nabanggit na po pala si Ace na naging manager din kayo ng Shohoku Basketball Team" sabi ni Kate

Suramu Danku: Next Generation 1Where stories live. Discover now