Chapter 1

18.5K 348 257
                                    

Amorist Series

#1 Trapped | Completed |

If you're not into flawed characters, might as well skip this manuscript, it contains sensitive contents that might trigger lots of the audiences.

Readers discretion is advised.

Enjoy reading!

***

Chapter 1

"Safe flight cutie." I crossed my fingers.

Nakakatakot. First time ko maging pasahero ng eroplano. Baka ito na rin ang huli at unang biyahe ko, naku h'wag naman sana!

Ako lang mag-isa. Nasa bahay sila mama't-papa kasama ang kapatid kong si Amari Rein Fuego pati na ang kaibigan kong si Vera Sloane Alvarez simula pagkabata.

Gustuhin man nilang ihatid ako ay hindi nila magawa dahil malayo ang paliparan sa 'min. It's hard for me to leave, pero sayang kasi kung hindi ko tanggapin ang scholarship na napanaluhan ko kahit hindi ako sumali sa mga raffles.

Malaking tulong na 'yon sa 'min lalo na't medyo mahirap ang makapag-aral sa bukid dahil sa hirap ng buhay. Makikitira ako kay tita sa Manila, bunso nila mama. I don't know why my parents named me Yeishabelle Vain Fuego but I'm glad kasi medyo unique.

Malapit nang umandar ang eroplano at marami na rin ang pasahero sa loob. Kita ang mga tao sa labas mula sa salamin. Matutuwa na sana ako sa pwesto ko kaso dahil sa mga napanood kong movies parang nakakatakot maupo rito, buti na lang may libro ako. I opened the book and flip a page to distract myself.

Ilang saglit pa, ang hindi mawaring kaba ay agad na nawala nang may tumabi sa akin. Well, that's weird.

Hindi ko mapigilang lumingon sa katabi. She's a woman with an elegant wavy brown hair na tila silk ang texture. Exaggerated as it may sound but her presence made me at ease. It's like I don't have to worry about how our flight will go 'cause she's near—I am safe no matter what.

Inulap ang puso ko. Huminga ako nang malalim at doon, tila nahipnotismo ako sa amoy niya. She smells like vanilla.

Kabaklaan lumayo ka sa 'kin.

Jusko po! Mas malakas at mabilis atang umandar ang kabaklaan ko kaysa rito sa sinasakyan namin e. Kailan ba 'to aandar?

Balik muna tayo kay ate. Mukha siyang owner ng isang rental place na sobrang higpit kung sumingil. Tipong late ka lang nagbayad ng isang araw ipapatapon na lahat ng gamit mo sa labas at mag-hanap ka na raw ng bagong tutuluyan. Pero teka bakit parang hindi niya 'ko napapansin?

Wala ba siyang peripheral vision? Kanina pa 'ko nakatingin sa kaniya ah? Wait! Invisible na ba 'ko? Hala! Naiwan ko ba ang katawan sa lobby?! Baka kaluluwa ko na lang nakaupo ngayon! Pasimple kong kinapa ang katawan. Bakit ramdam ko ang body ko?! Nang napunta sa dibdib ko ang kamay ay napatingin siya ro'n. Ilang saglit lang umangat ang ulo niya at nag-tama ang tingin namin.

Namamalikmata ata ako pero parang naging pinkish ang tint ng cheeks niya. Ang cute naman. She has an almost perfect pair of eyebrows; sakto lang ang kapal. Bumagay sa hazel brown eyes niya.

We exchanged glances for a couple of seconds, then umirap siya sa 'kin. . . what? May ginawa ba 'kong mali?

Sabi ko na nga ba masungit 'to e! Umayos na lang ako ng upo at nagbasa. Later on, I found myself facing her, ewan ko ba pero para siyang magnet. Sarili ko na mismo napapalingon sa kaniya kahit na hindi ko naman intensyon 'yon.

Trapped (Amorist Series #1)Where stories live. Discover now