Chapter 9

6.6K 199 48
                                    

Chapter 9

I found myself in danger but I don't feel any fear.

We're here in the camping site, but it's only the four of us, for the reason that the principal and the teachers still have some things to do.

Babalikan daw nila kami after a few days, saka tapos na raw ang mga gawain namin gaya ng pagtulong sa kanila. Sabi ni sir h'wag na lang ituloy 'tong activities para matulungan pa namin sila, but then sapat na raw ang mga nagawa namin.

Sayang nga e, mas masaya pa naman sana kapag marami kami. Mabuti rin at malinis ang paligid, hindi nakakatakot matulog sa gabi, pero sa ibang parte gaya ng daanan, nakaka-conscious na baka may mangyaring masama.

It's been days after ang usapan namin ni ma'am. I don't want her to feel uncomfortable kaya umiiwas ako sa kanya. Sino ba naman kasing guro ang hindi magugulat kapag sinabi 'yon ng student 'di ba? Parang umamin na rin ako na may nabubuong nararamdaman ako sa kanya.

Nag-uusap pa rin kami ni ma'am pero kapag may nais lang siyang ipagawa, aside from that wala na talaga. Ngayon nagbibiyak kami ng niyog nila Azy para gawing panghimagas, si sir ang umakyat ng puno.

"I smell something fishy," Azrael handed me the coconut.

Ako nagbibiyak ng buko habang si Azrael ang naglalagay ng laman sa pitsel, si sir naman ang abala sa pagkudkod.

Biniyak ko ang buko at tinginan siya. "Bunganga mo lang 'yon,"

We're near sa tent, may pa-bonfire sa gitna, si ma'am mag-isa sa gilid naka-upo sa may duyan.

Azrael pouted, natawa si sir. "What's with the atmosphere?"

"Ang alin ba?" Inabot ko sa kanya ang buko, binuhos niya ang laman sa pitsel.

Kanina pa tanong nang tanong si Azy, kailangan ko pa talagang hulaan kung ano'ng gusto niyang iparating.

"Itanong mo na lang kasi ng diretso," singit ni sir sa usapan. "H'wag nang paligoy-ligoy pa."

"Halika nga," he put the coconut on the table, hinila niya ako palayo sa tent namin ni ma'am, we hid near their tent.

Dalawang malaking tent ang gamit namin, and as usual, kami ni ma'am ang nag-share.

"Noong isang araw ko pa talaga 'to napapansin e. . . bakit parang wala kayong kibuan ni ma'am? May nangyari ba?"

"Wala,"

"Iyan na nga," he shot an irritated stare. "Walang nangyayari sa inyo, so ano nga ang nangyari?"

"Ang gulo niyo mag-usap," sulpot ni sir, kumabog ng mabilis ang puso ko.

"Sir. . . h'wag naman ganyan." Napahawak ako sa dibdib, napangiti siya sa reaksyon namin.

"He's right. Did something happened between the two of you?" He looked at me. Ano ba 'yan! Kalalaki nilang tao mahilig sa chika! "I'm asking you belle, what's going on between you and Audelia?" I know pero shems! Ayaw ko nito!

Saka hindi naman pwede na sabihin kong parang umamin na hindi ako kay ma'am. Goodness! How can I escape from this?!

Nakita kong nahihirapan si ma'am sa pag-gawa ng apoy gamit ang kahoy at posporo, guess she's not also used in this kind of life.

I took this opportunity to escape from these men that's eager to know what's going on.

"Tutulungan ko muna si ma'am," I smiled. "Bye!"

I wave my hand, hindi pa nakakalayo ay narinig ko ang sinabi ni Azy. "What a simp." I looked back to glare pero nakatalikod na sila at naglalakad palayo.

Trapped (Amorist Series #1)Nơi câu chuyện tồn tại. Hãy khám phá bây giờ