Chapter 40

8.3K 150 9
                                    

Chapter 40

"Kaya pa ba?" Vera asked Ches.

"Itanong mo kung humihinga pa 'yan." Ziah said, we chuckled.

Kakatapos ko lang maligo at mag-ayos ng sarili, isang buwan na ang lumipas matapos maganap ang lahat sa cliff.

A lot of changes occured between Elena and I, it saddened me but I understand, I give her space like what she requested.

Tuwing magkikita kami sa hallway tanging ngiti at tango na lang ang ginagawa namin, there are times where we'll say hi, but after that alis na, we never said goodbye though, as if it is a forbidden word.

I want to be there for her but she won't let me and I respect that, though there are times that I'll look for her.

Sinabi ko 'to sa mga kaibigan ko and they said it's normal 'cause Ely's became a part of me, I wish someone we'll do the same thing she did to me.

Umupo ako at nag-simulang kumain, nakaharap ako sa kanila. Wala si Mel, kasama sila Eira, Jeric, at Jin, pumunta sila ng mall para bumili ng stocks ng pagkain.

"Ang oxygen sa utak ko malapit ng maubos," Ches cupped her head. "Mauuna pa ata matapos ang buhay ko kaysa ang semester," hysterical na sabi niya. "Ilang araw na lang ba?"

"Weeks pa." Vera said.

May hawak si Vera na earphone, pilit tinatanggal ang pagkakabuhol nito.

Mag-katabi si Ches at Azy sa mahabang parte, Azy's busy with his phone, while si Ziah and Yunice nakaupo sa sahig at gumugupit ng mga kartolina para sa huling proyekto nila.

Pinapanood ko si Vera na batid kong isang galaw pa ay sasabog na sa inis, kulang na lang maputol na ang wire sa sobrang agresibo niya, napatigil si Ches at nag-aalalang tumingin sa kaniya.

One, two, three—Tinapon niya ang earphone sa table, tumunog ito ng malakas, mabibigat ang paghinga ang kanyang ginawa. I chuckled.

"Sino'ng nanghiram ng earphone ko?!" Ches smiled, kinuha niya ang earphone.

Kahit kailan mainipin 'tong si Vera, si Azy naman natakot at umusog ng konti. Inayos ni Ches nang marahan ang earphone at binigay sa kaniya.

"Bumili ka ng wireless," napalingon sila sa 'kin. "Ano?"

"Gising ka na pala." Azrael said.

Payak akong ngumiti. "Hindi pa, kita mo tulog akong kumakain." I closed my eyes.

Natawa sila, pag-mulat ko ng mata namakyu sa 'kin si Azy, hinampas siya ni Yunice ng bagong kartolina mula sa likod.

He groaned. "Masakit?" Yunice asked, she sat on the other single part of the couch.

"Hindi," ngumiti si Azy. "Ako hahampas sa 'yo try natin kung hindi." Lumingon sa 'kin si Azy, I stick my tongue out. Karma's on my side. Haha.

Tinulungan ni Ches si Ziah, si Yunice naman tumabi kay Azy. They stare something on his phone, Vera's now busy on her laptop.

Yunice giggled, napanguso si Azy. "H'wag ka na mag-joke about sa mukha ko!"

"Oo na, hindi na. . . hindi ko na rin kasi kailangan mag-joke katawa-tawa na 'yan." Vera snorted.

"One bar ka na lang. . ." defeated, that's what Azrael's face screams. Uminom ako ng tubig at napailing.

Hinablot ni Yunice ang phone niya. "Post mo na 'to," nag-swipe siya at inabot ulit kay Azy.

"Sure ka?" He asked, she stood.

"Oo," she smiled. "Sure akong pagsisihan mong pinost mo 'yan."

"Tangina." Azy scowled. She didn't look back.

Trapped (Amorist Series #1)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon